Naalala paba ninyo ang sikat youth oriented entertainment show noong 90’s na That’s Entertainment kung saan ilan sa mga kilalang artista sa kasalukuyan ay dito nagsimula at hinubog sa pamumuno ng namayapang si German Moreno o mas kilala sa tawag na Kuya Germs.

Ang dating miyembro nito na si Romano Vaquez ay namaalam nito lamang linggo Enero 23, 2022 sa oras mahigit alas sais ng gabi, sa kanila mismong bahay sa Cavite City. Pinatutuhanan ito ng kanyang maybahay at naulila na si Alma Panuelo Dila (Len-Len). Si Romano Vasques o Romanito Romano Anacan Dila sa tunay buhay ay edad 51 at isinilang noong Octubre 31, 1970.

Ilan sa mga naulila ni Romano ay ang kanyang mga anak Angelie Kate, 22 ; Albert, 16 ; Sky, 15 ; at Raven, 8 years old. Hiling naman ng kanyang pamilya ang pagrespeto at dasal sa kanilang pagdadalamhati sa panahong ito.

Marami din napasaya ang batikang aktor kung saan nagsimula itong makilala noon sa GMA That’s Entertainment at naging singer group din Quamo na siyang nagpasikat ng kantang “Sumpa ko”. Naging open book at makulay din ang buhay niya, na kamakailan nga ay naitampok ang istorya ng kanyang buhay at maybahay nito sa GMA program na Wagas. Samu’t saring papel din sa pelikula ang ginapanan ng aktor na nalinya din sa mga pagpapaseksi.

Ilan sa mga pelikulang tinampukan nito ay ang Noel Juico, 16: Batang Kriminal (1991), First Time… Like A Virgin! (1992), Dark Tide (1994), Epimaco Velasco: NBI (1994), Suicide Rangers (1996), Mariano Mison: NBI (1997), The Secret Of Katrina Salazar (1997). Nagbida rin siya sa mga pelikulang Alipin Ng Aliw (1998), Hiram (2003), Night Job (2005), Astig (2009), Mainit (2011), Sexventure (2011), at Pikit-Mata (2012). Hindi lamang pag-aartista ang pinasok ng aktor pati na rin ang pagnenegosyo.

Sa ngayon ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa mperial Crown Funeral Service (dating Herald Funeral Services), na matatagpuan sa Purok 6 Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Cavite.

Sa mga naulila condolence, isa na namang artista ang namaalam na minsan nagpasaya at nagbigay aral din sa ating buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here