Si Skelly Ivy Florida ang early favorite sa Miss Universe Philippines. Siya ay taos-pusong ipinagmamalaki ang lugar na kanyang pinagmulan na Biliran. Nais ni Skelly na malaman ng mga turista kung gaano kaganda ang Biliran. Ipinagmamalaki niya ang pagiging morena at kutis Pilipina. Si Skelly ay malapit na magtapos sa kolehiyo sa kurso ng Tourism. Siya din ay magaling sa isports at isang player ng volleyball.

photo via Skelly Ivy Florida | Fb

Nakilala si Skelly bilang ‘Black Barbie’ ng MUP. Siya ay sumikat sa Facebook dahil sa kanyang kakaibang ganda. Siya ay sa 52 na kalahok ng Miss Universe Philippines. Nalalapit na ang pageant at maraming netizens ang nakasuporta sa black beauty na pinay.

photo via Skelly Ivy Florida | Fb

Ibinahagi ni Skelly ang kanyang buhay at adbokasiya sa pamamagitan ng video sa YouTube. Madalas sumali si Skelly sa mga school pageants kahit na 20 taong gulang pa lamang siya. Ang ilan sa mga parangal na nakuha niya ay Ms. PASUC Region VIII noong 2017, Ms. State College and University Athletic Association (SCUAA) 2018 1st runner up, at Ms. PASUC 2017 third runner up.

photo via Skelly Ivy Florida | Fb

Buong tapang na haharapin ni Skelly ang pagiging kandidata sa national pageant dahil sa pagmamahal niya sa lalawigan ng Biliran.

photo via Skelly Ivy Florida | Fb

Nais niya makilala ng marami ang Biliran sa Eastern Visayas dahil pamilyar lamang ang ibang tao sa  Samar at Leyte. Ang buong unibersidad ni Skelly ay nagbigay ng walang-sawang suporta sa kanyang pangarap na maging national beauty queen.

photo via Skelly Ivy Florida | Fb

Ibinahagi ni Skelly ang kanyang paghanga kay Zozibini Tunzi na pinakabagong Miss Universe. Humanga siya dito dahil matapang siyang sumali kahit siya ay brown-skinned.

photo via Skelly Ivy Florida | Fb

Nais din ni Skelly na malaman ng buong mundo na maaari din sumali sa mga pageant ang mga brown-skinned na babae. Siya ay nakaranas ng panghuhusga at mga negatibong komento dahil sa kulay niyang morena. Ang paglabas niya sa national pageant ang magiging daan sa pagtanggap ng marami sa kulay na morena.

photo via Skelly Ivy Florida | Fb

Masaya siya dahil tinagurian siyang black Barbie ng marami. Siya ay ginaganahan kapag naririnig na may pagkakapareha siya kay Miss Universe Gloria Diaz. Labis siyang nag-eensayo para sa pagrampa sa nalalapit na pageant. Nais niyang maging agaw-pansin at kakaiba sa paningin ang kanyang pagrampa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here