Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang post ng ginawa ng isang lalake na tila ba nagbibigay payo sa mga kalalakihan patungkol sa mga OFW na single mom. Alam naman natin na napakahirap maging isang OFW lalo na kung isang single mother. Hindi naman alintana na ilan sa mga kababayan nating OFW ay hiwalay sa kanilang pamilya, marahil isang dahilan dito ay ang Long Distance Relationship o LDR kung tawagin.

Sa isang facebook post na agad naman nag viral dahil na rin sa hindi magandang asal o payo ang nakasaad sa post na ito. Kung para sa lalaking nagpost ay isa lamang itong biro ngunit para sa ilan lalo na sa mga inang mag-isang binubuhay ang kanilang mga anak ay isa itong kabastusan o hindi pagbibigay galang sa mga kababaihan.

Narito ang caption mula sa isang facebook post,
“Kung ako sa ‘yo pre, manligaw ka ng single mom na OFW. Madali silang utuin at bolabolahin. Naku! Sinasabi ko sa ‘yo kahit wag ka na magtrabaho pre may monthly allowance ka na! Sikat ka pa sa barkada kase lagi mo silang napapainom! Tapos pag-uwi pa ng GF mo na OFW, marami ka na pasalubong, **** to sawa pa. Saan ka pa pre di ba?”.

Hindi nga magandang halimbawa, at isang uri ito ng kawalang galang sa mga kababaihan. Kaya samu’t saring batikos at komentong hindi naayon din ang sagot kay kuya ng mga netizens.

Ilan pa nga sa komentong nakatawag pansin ay ito:
“Yan ang mga lalaki na batugan Wala gngwa kundi uminom humingi ng Pera akala nyo ganun kadali Humanap ng pera”

“Bakit may mga lalaki na walang kahihiyan? Ipinagmamalaki pa nila na wala silang kwentang tao. Bukod sa tamad na at palamunin, may gana pang manloko at magyabang? Time will come na aayawan kna lahat ng babae kahit sa taong totoong Mahal mo dahil wala ng magtitiwala sayo. Sino ba naman kasing babae na kukuha ng bato para ipokpok sa ulo?”

Para sa inyo anong masasabi ninyo kay Kuya? Sa ngayon ang nasabing post ay umabot ay umabot na sa libong shares, daang komento at reaksyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here