Nakakatuwang isipin kahit gaano man kahirap ang nararanasan natin sa pang-araw araw na buhay, mayroon pa ilang hindi sumusuko at natyatyaga maitaguyod ang pamilya. Kaya naman ang ilang netizens ay pinuri ang kadakilan ng isang food rider na tangan ang anak habang ito ay nagtratrabaho. Marami ang nag-alala dahil sa sanggol pa lamang ang bata ngunit marami din ang pumuri kay kuya.

Ayon sa nag upload na si Jeremiel Flores Quinto nagulat siya ng dumating ang food rider na si Hershey Manuel upang pumick up ng order na idedeliver nito, ngunit laging gulat niya ng may makitang sanggol nasa limang buwan pa lamang na dala ni kuyang rider at nakalagay sa basket ng bike nito.

Napatanong tuloy si Jerimiel kung bakit tangan nito ang sanggol sambit naman ng rider isinama niya ang kanyang anak dahil walang mag-aalaga dito, ang kanyang asawa ay nasa trabaho dagdag pa niya. Matapos ang viral post na ito marami ang nagbigay tulong kay kuyang rider at labis itong nagpapasalamat sa mga tumulong.

Sino ba naman ang hindi aantigin ang damdamin sa ganitong tagpo, napakaswerte ng batang ito sa kanyang ama at nagkaroon siya ng maituturing na dakilang ama. Samantala narito ang ilang komento ng netizens para kaya kuya.

“kaya ka nagpapakapagod sa trabaho sigurado para sa anak mo, kaya lang nalalagay sa alanganin yung anak mo lalo na baby pa yan.hindi ka makaka bike ng maayos nyan kc patingin tingin ka sa anak mong nakaupo sa basket.wag naman sana pero isang mali mo lang marami pwedeng mangyari. dobleng ingat nalang. -flor

“Godbless brother kahit hindi pa nakakaintindi anak mo alam ko g proud sya sayo at pinag mamalaki ka nya. Tiyaga lang hindi palaging nasa baba aangat ka din. Godbless” – chadie

“saludo ako sa mag ama na ito lalo kapang i bless ng dios po GOd bless and more biyaya.” – Mae

Narito ang nilalaman ng buong post:
PAGMAMAHAL NG ISANG AMA
“Pinusuan ng netizens ang larawang ito ng isang rider na inaalagaan ang anak sa gitna ng trabaho.
Kinilala ang rider na si Hershey Manuel. Ayon sa uploader, wala raw mapag-iwanan sa kanilang anak dahil nasa trabaho rin ang kanyang asawa.
Kuha ito ng isang tauhan sa ramen house sa San Pedro, Laguna.”

via

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here