Ngayon dumadaan ang sa krisis ang ating bansa maging ang buong mundo hindi rin natin maikakaila na marami din sa ating kababayan ang lumabas ang tunay na pagiging matulungin sa kapwa. Talaga naman napakahirap sa panahon ngayon at marami ang tinamaan ng hindi magandang pangyayari kahit anuman ang estado mo buhay lahat apektado.

Katulad na lamang ng pangyayari ito, kung inyong susuriin ay hindi pangkaraniwan. Ang ating butihing Grab Rider Markgianlyn M Berdan ay nakatanggap ng booking at umorder ito ng tatlumpong burgers mula sa kilalang fast food dito sa ating bansa. Ngunit sa halip na kunin ang nasabing mga pagkain ay nagpaabot ito ng pakiusap sa Grab rider na ipamahagi na lamang ang kanyang mga iniorder sa mga taong nasa lansangan.

Ang pangyayaring ito ay ikinagulat ni Mark at nasabi na lamang nitong “Maraming salamat sa customer ko kanina ang bait nio po” hindi na ito nagpabanggit ng pangalan. Agad naman ginawa ni Mark ang nasabing pakiusap dahil na rin sa ito ay makakabuti sa ating mga kababayan.

Sa social media account ni Mark ang post ay agad namang nag-trending at marami ang pumuri sa ginawang kabutihan ng customer. Kalakip ng mga litrato ibinahagi din ni Mark ang pag-uusap nila ng kanyang customer kung saan sa simple usap pa lamang mababakas mo na ang kabutihan nito.

Sambit pa ni Mark ay “Di ko alam ma basta nag order tapos sabi ipamigay ko daw sa mga tao na nagugutom sa kalsada”

Samantala ating tunghayan ang ilan sa mga papuri ng mga netizens:

wow sana marami pang tao nah ganyan mark god bless

isa ka din kasi sa may mabuting puso kaibigan..😊 nakita nga din ng kapatid ko tong post mo nato eh

Godbless po more more blessings pa sa mga taong matulungin..❤❤❤kuya mark keep safe lage…godbless u dn po

Sa kasalukuyan umabot nang mahigit walong libo ang nagbahagi ng post ni Mark at siyam na libong reaksyon ng mga netizens.

{source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here