Kung minsan kung sino pa ang naghahanap-buhay ng marangal at lumalaban ng patas at siya pang nadedehabo sa hamon ng buhay. Tulad na lamang ng nangyari kay kuyang delivery rider, nakakalungkot isipin na may mga taong mapagsamantala at mapanlamang sa kapwa.

Ganito ang sinapit ng isang delivery rider at napasabi na lamang na “Pasensya na po sa delay”, dahil sa kanyang sinapit matapos hanapin sa lugar ang customer na kanyang pagdedeliveran bigla na lamang tinangay ang kanyang cellphone ng hindi nakilalang salarin. Ang masakit pa dito ay hulugan ito at napasama pa sa natangay pati ang kaunting ipon nito kung nakaipit umano sa nasabing kaha ng cellphone.

Sa sinapit ni kuyang rider napaiyak na lamang ito at napahingi ng pasensya sa hindi nya kagustuhang pangyayari. Kaya naman samu’t saring komento ng pagpapalakas ng loob para sa kay kuya. Ito ang ilang sa mga komento ng ating mga kababayan:

“Wag naman pong ganyan, hindi lang po celfone ang ninanakaw niyo sa aming mga rider. Kundi pati ang aming hanapbuhay, tinitiis po namin ang maghapong init at madalas gutom pa habang bumibiyahe. Nagtitipid kami para mabayaran ang mga hulugang motor, celfone at kung anu-ano pa para lang makapag hanapbuhay ng marangal at maitaguyod ang aming pamilya. Hindi kami nananapak ng aming kapwa kahit buhay namin ang kapalit ng aming trabaho. Sana lang po lumaban kayo ng parehas at wag kaming biktimahin. Ang mga bagay na nanakawin niyo sa amin ay tulad ng pagkain na inyong inagaw na para sa aming mga anak at mahal sa buhay” – Norman

“grabe naman ! wala talagang magawang matino mga taong ganyan! god is good kuang rider mas higit pa dun ibibigay ni lord sau …kasi alam nya na para sa pamilya mo ginagawa mo…godbless po..sana me mabuting puso tumulong sau” – Ruby

“Tama at d rin natin alam ang sakripesyo nila para lng madala mga diliver na kailangan natin oo karatan nila yan na maidiliver kc trabaho nila yan kaya d cla pwdeng magreklamo pero ang gawin sa kanila yan dapat talaga mag reklamo cla sana bigyan halaga nyo ang bawat tao na marangal angbtrabaho paano na c kuya paano na ang mga custumer na dapat dadalhan nya eh wala na celphone nya” – Rose

Narito naman ang buong post – “PASENSYA NA PO SA DELAY”
Isa sa ating night rider ang bumalik na dala pa din ang dapat nyang idedeliver na order. Ayon sa kanya, habang hinahanap nya ang delivery point ng Customer ay hinablot ng di kilalang tao ang kanyang cellphone kaya hindi nya madeliver ang order dahil nawalan sya ng pang contact sa customer.
Naiyak na lang ang ating Rider dahil bukod sa hinuhilugan pa nya ito sa home credit ay napasama pa dito ang kaunting ipon na nakasiksik sa case . Hindi din nya alam ngayon kung pano sya mag tatrabaho dahil nawalan sya ng pang hanap buhay na Cellphone.
Wag po sana nating gawin to sa kapwa natin lalo sa mga riders na nag tatrabaho ng marangal, Dahil hindi naman natin alam ang pinag dadaanan ng bawat isa sa atin para lang mabuhay sa araw-araw.

{source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here