Marami sa ating kababayan ang nangingibang bayan dahil na rin sa kagustuhan guminhawa ang buhay, Marahil sa ating bayan ay hindi mahanap ang swerte para makamit ang pinapangarap sa buhay. Alam naman natin na mababa ang pasahod sa ating bansa na kadalasan hindi na sumasapat sa pang-araw araw na pangangailan.

Ito dahil ang nagtulak sa ating kababayan na si Ivy Villegas College undergrad na dating saleslady at cellphone promoter na magtungo sa Japan upang doon na lamang magtrabaho. Sumasahod si Ivy ng 20,000 kada buwan noong panahon na nagtratrabaho siya sa ating bansa. Ayon sa kanya nakakasapat naman at nakakain naman sila tatlong beses sa isang araw.

Ngunit tila nagbago ang isip ni Ivy ng maisipan nitong magtungo sa Japan taong 2019 upang maging isang vegetables picker. Pinalad naman siya na makalipad at makapagtrabaho sa bansa ng mga hapon. Sa ngayon kumikita siya ng 90,000 to 100,000 kada buwan at lubos ang kanyang kasiyahan kahit na medyo malayo sa pamilya dahil sa ngayon nakakapagbigay siya ng mas higit pa sa kanyang pamilya.

Kwento ni Ivy sa panayam ng isang programa, gumigising siya ng alas-singko ng umaga para makapaghanda papasok sa kanyang trabaho. Gamit ang kanyang bisekleta patungo sa Kumamoto, Japan kung saan naroon kanyang pinapasukan kompanya. Hindi biro ang pagiging vegetables picker dahil mahalaga ang bawat oras dito, kadalasan carrots at labanos ang kanyang hinahango at mano mano binubunot ang ugat nito.

Dagdag pa nya madali ang parte na kapag isinalang na ito sa makina dahil kusa ng nililinis ng mga ito ang nahangong mga gulay, ngunit ang mahirap na parte bilang picker ay ang pagbubuhat ng crates na timbang na halos 25 kilos kada puno nito. Sa isang araw ay halos 400 crates ang napupuno nila at kailangan madala ito sa tamang lugar upang maiproseso ang mga nahangong gulay.

Nakakatuwang isipin na may kababayan tayong nagsisikap sa ibang bansa para sa kanyang pamilya, ayun nga lamang sa kabila ng magandang pasahod malayo naman ito sa kanyang pamilya. Sadyang ganyan talaga ang kapalaran kung nais mong maging matagumpay kailangan ng sakripisyo lalo na kung para sa pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here