Isa sa mga maituturing na pinakamagandang aktres noong 90’s si Amanda Page na madalas magkaroon ng mga sexy at daring roles sa pelikula dahil sa angking alindog nito.

Sa palabas na “Strict and Peyrents ko”, katambal ni Amanda noon ang dating aktor na si Gary Estrada, kasama rin ang mga dating pinakasikat na mga komedyanteng sina Chiquito at Elizabeth Ramsey, na gumanap bilang mga magulang ng aktres sa pelikula.

Kahit hirap man sa pananagalog gawa ng lumaki ito sa ibang bansa, sumikat parin si Amanda page sa industriya dahil sa husay nito sa pag-arte at sa hindi maikukubling kagandahan ng mukha at ng katawan.

Pagkaraan ng ilang taong pag aartista, minabuti ng aktres na hindi na tumanggap ng proyekto at kalaunan ay hindi na siya lumabas sa anumang pelikula hanggang sa tuluyan na nitong iwan ang karera noon 2000. Pangunahing rason ng aktres ay ang pag bibigay ng full-time na atensyon at pokus sa kanyang pamilya.Ayon kay Amanda, hindi pangmatagalan ang pag aartiista, kaya’t minabuti nitong bumalik sa U.S. upang hanapin ang mas magandang buhay, at doon narin nya umano nakilala ang kanyang partner ngayon.

Napangasawa ng aktres si Dr. Lee Mendiola at nagkaroon sila ng anak na lalaki na pinangalanang, Mason. Sa kasalukuyan ay isang hand-on mom ang dating aktres sa kanyang anak.

Ang aktres at ang kanyang pamilya ay nakatira ngayon sa states, subalit ito ay paminsan-minsan ding bumibisita sa bansa para magbakasyon at makasama ang ilang mga kaibigan sa industriya. Sa katunayan, tumatanggap pa ito ng ilang guestings kapag nasa Pilipinas. Isa na rito ang kanyang pag-labas sa “Magandang buhay”.

Maliban sa pag aarte, nakilala din bilang mahusay na dancer si Amanda at kanya paring naipapamalas ang talent at galling sa pagsasayaw kapag ito ay naimbitahang mag-guest sa ASAP.

Ang aktres ay lumabas din sa ilang episodes sa “Ang Probinsyano”, subalit ayon ditto, mas pokus niya ang pag aalalaga sa anak na ngayon ay nag-aaral na.

Ayon sa ilang balita, ang aktres ay nagtatrabaho bilang nurse sa Staten Island sa New York, pero hindi ito kumpirmado dahil nais ng aktres na maging pribado lamang ang kanilang buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here