Isa na yata si Andi Eigenmann sa hinahangaan ng mga kababaihan at lalo ng mga kalalakihan sa panahon ngayon, Dahil mas pinili nito ang buhay na malayo sa harap ng kamera kapalit ng karangyaan na buhay niya sa kamaynilaan.

Matapos mahanap ang tunay na kasiyahan ng buhay sa lugar ng Siargao kapiling ang kanyang asawang si Philmar Alipayo at ang anak nilang si Lilo. Kung paminsan minsan naman ay sinasama niya sa nasabing lugar si Elle ang kanyang unang anak sa aktor na si Jake Ejercito.

Alam naman ng lahat na ipinagbili ni Andi ang kanyang mga ari-arian at naipundar dito sa kamaynilaan para sa kanyang napiling bagong buhay sa isla.

Kamakailan namataan si Andi ng isang netizen at nakuhanan na nakaangkas sa isang motor na may dalang malaking timba. Ayon sa facebook post ni Contessa Aubrea Paraico – Carnaje na may caption na;

“Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby nya.😍 Still gorg and classy bisan indi magporma!”😊 #SimpleLife #IslandGirl

Ayon sa kanya walang kaarte arte ang dating Agua Bendita Star na kanyang namataan na may dalang malaking timba at kahit na ganun ay nakapaganda pa rin tingnan ng nasabing aktres.

Agad naman itong sinagot ni Andi na kanya rin ipinost sa kanyang instagram account, Anya; “I just saw this on Facebook. When I want to buy things, I have to hold it. “And pray I don’t drop it cuz patay tayo kay @chepoxz (Philmar),”

Sa kasalukuyan ang nasabing post ay may 95 libong reaksyon na at 53 libong shares sa facebook. Umani rin ito ng positibong papuri sa karamihan ayon sa mga ito;

Yorchim Vee Delariarte – She is a queen and her soul is royalty…. I like her #SimpleLife

Yan Yats Buenaflor – Penge nga po ng isang Andi Eigenman. 

Nakakatuwang isipin na may isang Andi Eigenmann na nagbibigay inspirasyon at good vibes sa karamihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here