Muli na naman umugong sa social media ang pangalan ni Andi Eigenmann dahil sa latest video nito. Matatandaan kamakailan lamang ay pinuri ito ng matyempuhan ng isang netizen na may dalang malaking balde ng tubig habang naka-angkas sa motor at sumunod ang palitan nila ni Philmar ng matatamis na mensahe sa kanilang social media account bilang pagbati sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo.

Hindi naman lingid sa karamihan ang makulay na buhay ng aktres, ngayon ay masayang namumuhay sa isla ng Siargao kasama ang kanyang masayang pamilya. Labis din na hinahangaan si Andi ng karamihan dahil na rin sa mala prinsesa nitong buhay noong nasa showbiz pa ngunit mas piniling manirahan sa isla at ipagpalit ang kanyang mga ari-arian sa Maynila.

Walang arte at bakas mo sa kanya ang tunay na kaligayahan na hindi maibibigay noong aktibo pa ito sa mundo ng showbiz. Ngunit muli na namang nagpamalas ang aktres ng kanyang husay sa pagluluto ng Paksiw na Isda. Talaga naman ang pagluluto ni Andi ng paksiw ay may natural na rekado lalo na ang suka na kanyang hinalo dito.

Sa video makikita na lumusong ang kanyang asawang si Philmar kasama ang ilan upang manguha ng isda sa dagat. Matapos ang ilang oras agad na umahon ang mga ito na may dalang bugkos ng isda na agad namang nilinisan ni Andi habang alaga ni Philmar ang kanilang anak na si Lilo.

Matapos noon ay agad na nilahukan ni Andi ang mga isda ng kanyang sangkap at ang panghuli ay nilagyan niya ito ng purong suka na nabili lamang niya sa hindi kalayuan. Matapos malagyan ng rekado agad na nitong isinalang sa kalan at naghintay na lamang ng oras ng pagkaluto nito.

Oras ng kainan – Makikita rin na sobrang nagustuhan ng mga kasama nila ang nasabing Paksiw na Isda lalong lalo na ang kanyang asawang si Philmar. Marami ang napabilib kay Andi dahil sa husay nito sa pagluluto. Agad rin namang umani ng papuri ang Agua Bendita actress.

Panoorin ang video:

Kayo ano sa palagay ninyo? Ikomento lamang sa ibaba kung ano masasabi ninyo sa kanyang pagkakaluto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here