Isa sa pinaka sinusubaybayan ng mga tao ang relasyon ng artistang si Anne Curtis at ng chef na si Erwan Heusaff, kapatid ni Solenn Heusaff.

Proposal, kasal, at ang pagrereveal ni Ann na siya ay buntis, ay palaging nagiging trending sa social media. Hanggang sa ipinanganak na nga nito ang kanilang first baby kamakailan lamang.

Erwan Heussaff | ig

Kamangha mangha ang mga amang nagbabantay at nag aasikaso sa kanilang mga anak lalo kapag ito ay nasa infant stage pa lamang. Isa na nga rito si Erwan Heusaff na nag eenjoy sa pagiging first time daddy.

Erwan Heussaff | ig

Sa mga posts ng mag asawa, hindi maikakaila na sila ay hands on sa kanilang anak na si baby Dahlia Amelie. Si Erwan ay hindi lamang abala sa paghahanda ng masusustansya at masasarap na pagkain para sa asawa, siya rin minsan ang nag aasikaso sa kanilang baby.

Erwan Heussaff | ig

Ang latest post ni Erwan sa kanyang IG na may caption na “Baby handling 101”, noon lamang July 19, 2020 ay umani ng napakaraming views na umabot ng 906, 866.

Makikita sa video kung paano nito hawakan ang baby habang ibinabalanse sa kanyang balikat. And video ay isang sagot umano sa binigay na advice sa kanya ng kanyang bayaw na si Nico Bolzico.

Erwan Heussaff | ig

Sabi ni Erwan sa kanyang comment kay Nico, “So disappointing. This message was not approved by Dahlia’s mom by the way, if you don’t hear from me in 3 days. Send help.” Dahil umanoy sobrang nagulat si Anne sa kanyang ginawa sa kanilang baby.

“HOOOOOOOOOY!!!! This is what happens pala when you let me sleep in!!!!! MY BAAAAAAABY!!!! That’s it. You have to take the 4am diaper duty shift!!!!” komento naman ni Anne sa video ni Erwan.

Marami pa ang pumuna sa ginawa ni Erwan dahil sa napakabata pa ng kanilang anak para sa ganong mga paghahawak at pagkilos na maaring makasama sa baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan) on

Subalit mukhang nag enjoy naman ito sa kanyang ginawa at hindi naman hahayaan na may mangyaring masama sa kanilang anak, gaya rin ng ibang concerned netizens.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here