Naaalala nyo pa ba si Jinky Oda? Siya ay isang komedyanteng sumikat noong dekada 80 hanggang 90.

Siya ay nakasama bilang si Bale sa mga palabas na Okay Ka, Fairy Ko na binidahan ni Vic Sotto. Kasama din sya sa Mara Clara the Movie, Una ka Naging Akin, at Humanap ka ng Panget.

Ang nanay niya ay isang pilipina at ang ama naman ay black American kaya’t naman nito ang kanyang kulay sa ama. Subalit hindi na nakilala ni Jinky ang ama dahil hindi naman umano tinanggap nito ang responsibilidad sa kanilang mag-ina. Mag-isa na pinalaki ng kanyang ina si Jinky, at pinasok nito ang showbiz bilang isang comedian.

Bukod sa pagiging comedian, kinuha din sya bilang endorser ng Glutamax, o sabon na pampaputi dahil sa kanyang pagbabagong anyo. “Actually, nagulat ako kung bakit ako ang pinili nila. Kakauwi ko lang from Australia noon at ang taba-taba ko. As usual, negra pa rin naman ako. Noong nilapitan ako para sa product na ito, hindi muna ako na-convince kasi hindi naman ako naniniwala na mag-iiba pa ang kulay ng balat ko. Pero sa naging paliwanag nila sa akin, sinubukan ko na rin,” wika ni Jinky tungkol sa kanyang iniindorse na Glutamax.

Pagkalipas ng ilang taon ay nahinto ang karera ni Jinky sa bansa ay minabuti na nitong manirahan sa California sa US kung saan nandoon ang kanyang anak. Nakapagtapos ang kanyang anak sa military, at nagtatrabaho naman si Jinky bilang isang private nurse. Siya rin ay naging Activity Director sa isang home care facility sa US at minsan ay rumaraket din bilang isang performer.

Sa kabilang dako, naparangalan naman si Jinky ng Certification of Completion from the Actors Guild of the Philippines noong 2015.

Masaya nang namumuhay ngayon si Jinky Oda sa US subalit naghahanap parin ng paraan at pagkakataon na makapasok sa showbiz doon upang mapatuloy ang kanyang hilig sa pag-arte at maging proud din sa kanya ang mga kababayang pinoy, lalong-lalo na sa mga pagbabago sa kanyang buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here