Sa edad na 17 na taong gulang ay hindi na din maitatago ang mga naipon ni Awra Briguela habang pausbong lamang ang kanyang karera sa showbiz. Sa murang edad ay nakapagpundar na siya ng magarang bahay sa Las Piñas City.

pahot via awra | ig

Si Awra ay sumikat bilang “Makmak” saating sinubaybayan gabi-gabi sa ABS-CBN na ‘FPJ: Ang Probinsyano’. Ayon mismo sa isang report, siya daw ay personal na pinili ng Coco Martin para sa nasabing teleserye.

Siya din ay sumikat bilang isang internet sensation. Ibinida din ang kanyang husay sa pag-arte sa pag-aartista dahil sa kanyang ginanapan sa ‘Maalaala Mo Kaya’ noong 2016.

At noong 2017 naman ay nanalo siya bilang overall champion sa ‘Your Face Sounds Familiar’ nung ipinamalas niya ang galing sa pag-iimpersonate ng mga iba’t-ibang artista sa industriya.

Ang pagiging “gay” o bakla ni Awra ay nagsimula nung siya ang 3-year-old pa lamang at ang hilig niyang gayahin sila Sarah Geronimo, Sarah Lahbati at ang kanyang iniidolo na si Maja Salvador.

Samantala, ipinapakita sa video at mga litrato ang mga nakuha mula sa bagong bahay ni Awra. Magmula sa Living Room, Dining at Kitchen Area, Comfort room at ang kanyang mga Bedrooms ay talaga namang mapapahanga ka sa ganda ng disenyo nito.

At kung hindi niyo natatanong nakapag-uwi si Awra Briguela ng 3rd Aral Parangal Awards para sa pagiging best child performer na kung saan ay dalawang beses niyang nakamit ang ganitong karangalan dahil na din sa kanyang mga sinalihan ng primtime series.

Si Vice Ganda ang tumayo bilang isang nanay ni Awra, kaya naman ay napabilang siya sa mga naging pelikula ni Vice tulad na lamang ng ‘Super Parental Guardians’.

Pagpalain ka pa nawa Awra Briguela at sana ay hindi ka magbabago. Mabuhay ka!

Source: Awesome Stars / YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here