Naging viral ang pangalang Pircelyn Pialago o mas kilala ngayon na si Celine Pialago noong 2014 sa Miss Eart pageant dahil sa kanyang sinabi nang interviewhin siya patungkol sa isa pang candidate na hinimatay habang rumarampa sa entablado ng nasabing pageant.

Sinabi niya sa interview “She passed away kasi she’s really hungry. I kept on inviting her to eat breakfast but she didn’t really doesn’t want to eat,” Pero ang pagsabi niya ng she passed away ay dapat sana “She passed out.”

Samantala, ginawa itong katatawanan ng marami sa social media ngunit para sa kanya hindi ito naging dahilan para panghinaan ng loob si Celine Pialago.

Si Celine ay nakapagtapos ng AB Mass Communication Major in Broadcasting sa Mirram College. Habang nag-aaral siya sa kolehiyo ay pumasok sa iba’t ibang trabaho si Celine para matustusan ang kanyang pangangailangan habang ito’y nag-aaral.

Pinasok niya ang pagiging Radio DJ, ang pag-extra sa mga palabas sa Telebisyon, pag-host ng mga event at pati narin ang pag-momodelo.

Hindi madali ang kanyang karanasa noon, hanggang sa makapag-tapos ng kolehiyo ay naging news anchor siya sa PTV 4.

At noong September 2016 ay kinuhang spokesperson ng MMDA si Celine. Matapos ang dalawang taon ay binigyan siya ng promotion. Noong August 2018 ay ganap siyang ginawang Assistant Secretary ng naturang ahensya.

Habang nagtatrabaho sa MMDA ay ipinagpatuloy din ni Celine ang kanyang pag-aaral at noong 2019 ay nakapagtapos siya ng M.A in Journalism sa Ateneo de Manila University.

Sa isang post ni Celine Pialago sa kanyang Facebook account ay sinabi niya ang kanyang pinagdadaanan patungkol sa gender stereotyping at equality sa kanyang mga naging trabaho. Sinabi din niya dito kung paano siya naging blessed sa tiwala na ibinigay sa kanya ng ahensya ng MMDA.

“Happy International Women’s Month! Ever since the time I started working, at 18 years old, a very young age, I was already fighting all kinds of stereotyping at work.”

“And If I was asked, do I still face the same challenge now, I would say not anymore, not under our Chairman Lim’s term. I believe this is because of the work of Chairman Lim and other people who made MMDA an organization that treats both gender fairy. I am very much honored and blessed for the opportunity and respect that the male leaders showed me so that I may release my full potential.”

“I believe thaht our enemy in our fight for gender equality is not men, but our own selves, a loss of self confidence, and a loss of faith in our own abilities as women. In the end, “Gender Equality is not a female fight but a human fight.”

Makikita sa mga post ni Celine ang sobra niyang pagmamahal sa pamilya. Madalas makikitang ang kasama niya sa pagtatravel ay ang kaniyang pamilya.

Nakilala din si Celine bilang isang babaeng palaban dahil alam niya kung kelan niya dapat ipagtanggol ang kanyang sarili.

{Source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here