Muli isa na naman nakakagulantang na balita ang umilingawngaw sa mundo ng showbiz, Nito lang nakaraang araw ay napabalitang pumanaw na ang batikang direktor na si Peque Gallaga at ngayon naman isang batikang action star singer ang namaaalam.

Jose Nabiula sa totoong buhay o mas kilalang miyembro ng all male sing and dance group noon, kung tawagin ay Hagibis ay napabalitang pumanaw na ayon kay Manuel Rigor dating member ng bandang VST & Company na sumikat noong 70’s.

Ayon kay Manuel si Sonny Parsons ay lulan ng kanyang big bike ng atakehin ito sa puso. Kung saan nasa lalawigan ito ng Batangas patungong Quezon Province nang maganap ang hindi inaasahang pangyayari na ikinagulat at naghatid lungkot sa Entertainment industry.

Sa Facebook post ni Rigor nakasaad ang mga linyang ito “Ride free, Sonny Parsons. We had good, and bad times. Salamat sa mga alaala, lakay. You will be missed. So sad,”

Ganun din naman ang namumuno sa Film Academy of the Philippines (FAP), ang batikang aktres na si Vivian Velez ay lubos din ang pagdadalamhati sa pangyayaring ito. Sa kanya namang Facebook account ay makikita ang pahayag na ito, “Another Legend of OPM’s Pinoy Discorama… REST IN PEACE Senyor Sonny Parsons of HAGIBIS.”

Ating balikan ang kaunting istorya sa buhay ni Sonny Parsons, Sa huling bahagi ng taong 1970 hanggang 1980s, Si Sonny Parsons ay miyembro HAGIBIS kasama sina Bernie Fineza, Mike Respall, Joji Garcia at Mon Picazo. Kung saan sumikat ang sing and dance group ng mga ito.

Maraming kanta din ang hindi malilimutan na kanilang inilikha na talaga namang tumatak sa kanilang tagahanga hanggang sa ngayon. Ilan sa mga kantang ito ay “Legs,” “Babae,” “Lalake” and “Katawan” kung saan ang kantang “Katawan” ang naging isang theme song ng programang “Palibahasa Lalake”.

Bukod sa pagkanta kalaunan ay pinasok na din ni Sonny ang mundo ng pelikula at telebisyon. Ilan sa kanyang ginampanan ay ang mga pelikulang ito na pinamagatang “Legs Katawan Babae” noong 1981. Taong 1989 naman ng napabilang siya sa pelikulang “UZI Brother 9mm” kasama si Ronnie Rickets. Paglipas ng panahon pinasok din niya ang pagiging direktor ng pelikula kung saan siya rin ang nagbida dito “Bala Para Sa Katarungan.” Matapos ang nasabing pelikula matagal na nawala sa showbiz ang aktor at huling nakitang gumanap sa telebisyon bilang kontrabida noong taong 2017 sa programang “FPJ Ang Probinsyano” kasama si Coco Martin.

Si Parsons ay pumalaot din sa pelikula kung saan pinalad naman siyang manalo bilang konsehal sa lungsod ng Marikina. Kilala din ang nasabing aktor sa itinatag nitong non-governmental organization (NGO), Ang Allied Forces of the Philippines Civilian Volunteers (AFPCIV) na siyang pangulo ng nasabing organisasyon. Ang layunin naman ng nasabing NGO ay ay nakatuon sa pantulong na pagtugon ng mga tao at paglaban sa krimen sa buong Pilipinas.

Marahil ang ilan sa kabataan ngayon ay hindi na matatandaan ang nasabing aktor ngunit atin siyang pasalamatan sa kanyang pagbibigay kasiyahan sa atin noong panahon ng kanyang kalakasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here