Naaalala nyo pa ba ang bibang batang aktres na si Camille Prats? Naroon sya noon sa programang “Ang TV” at “Oki Doki Doc”. Naging aktibo ang karera ni Camille simula noong bata pa ito, hanggang sa nagdalaga, at nagkapamilya.

credit to camilleprats | ig

Ang bilis bilis nga ng panahon at ngayon ay nag-eenjoy na sya sa kanyang buhay na may pamilya at may mga anak.

Sa Instagram ng aktres, mapapansin na close na close sila ng kanyang mga anak dahil sya mismo ang hands-on na nag-aalaga sa kanila kasama ang kanyang asawa.

credit to camilleprats | ig

Samantala, sa kanyang latest post sa IG, ipinakita ng aktres ang kanilang on-going na construction ng kanilang malaking bahay. Ayon sa post na binigyan ni Camille ng caption na “Dreaming together and allowing God to make things happen. 😊 @vjyambao1” bakas sa kanilang mga mukha ang saya at excitement sa kanilang malaking project para sa pamilya.

credit to camilleprats | ig

Marami din ang nagbigay ng mga komento sa post, is ana rito ang aktres at host na si Iya Villana na nagwika ng “So fast, mars!!!!!”

“Congratulations sa bagong balur, ate and kuya!!! Ayan na ang mansion!!!” banggit naman ni Bea Manlulo. Sabi ni Sarah Dolendo, “U deserve all the blessings miss camille..ur such a nice person inside and out”.

credit to camilleprats | ig

Samantala, nagpahayag naman ng pagpapasalamat ang aktres sa kanyang life partner na businessman na si John Yambao, “Grateful that God handpicked you to be by my side as we build our lives and our family together filled with His grace and love. Never thought the day would come when God would actually make things happen for us”, wika ni Camille.

credit to camilleprats | ig

Maaalalang ikinasal ang mag-asawa noong January 7, 2017. Pagkaraan ng isang buwan ay ikinumperma ng aktres na buntis sya sa kanyang pangalawang anak. Mayroong unang anak ang aktres sa ibang lalaki ngunit namatay umano ang lalaki dahil sa sakit.

credit to camilleprats | ig

Hindi umano nagging madali ang pinagdaanan ni Camille at ng kanyang asawa dahil long distance ang kanilang relasyon noon at parang “you and me against the world” umano ang kanilang relasyon. Ngunit Malaki ang pasasalamat nito dahil nalagpasan nila iyon lahat at ngayon ay unti-unti nang nakakamtan ang kanilang mga pangarap sa kanilang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here