Si Carla Angeline Reyes Abellana o mas kilala bilang si Carla Abellana ay isa sa mga magagaling at magagandang artista ng GMA Network. Sya rin ang gumanap sa lead role ng pinoy version ng Rosalinda noong 2009 na nagbigay sa kanya ng malaking break sa showbiz.

Dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte ay marami pang mga proyekto ang ipinagkatiwala sa kanya simula noong 2009 hanggang sa kasalukuyan. Ilan lamang sa mga latest na mga palabas nito ay ang Mulawin Versus Ravena, at I Heart Davao noong 2017, Pamilya Rocess noong 2018, at Love of My Life nitong 2020.

Bukod sa pag-aartista, isa ring modelo si Carla. Dahil na rin sa kanyang galing bago paman ito naging artista ay bahagi na sya ng Rockwell Land Corporation kung saan isa sya sa kasapi ng Human Resources Department.

Pinangarap nya na magkaroon din mismo ng sariling condo sa Rockwell kaya naman nagsumikap ito at nakabili din ng sariling unit.

“I bought this unit or this property during preselling noong bago pa lang ako sa showbiz. Bili ko sya pre-selling so hindi pa as expensive so it’s been about 6 years already or more or less. I bought if I’m not mistaken, 2013 or 2014”, wika nito sa kanyang vlog.

Makaraan nga ang ilang taong paninirahan sa kanyang condo unit sa The Grove by Rockwell sa Pasig, ay minabuti na nitong ibenta na ang unit dahil umano para makatulong sa kanyang planong pagpapatayo ng kanyang dream house, o biro nito ay dream house nila ni Tom Rodriguez.

Sa kanyang condo unit tour, ipinasilip ni Carla ang iba’t-ibang bahagi ng kanyang unit upang makita din ito ng mga nagnanais na bumili ng condo unit sa Rockwell.

Wika pa ni Carla sa kanyang vlog, “I’m so happy na worth it ‘yong investment. Definitely, worth it,” pahayag pa ni Carla. “Nag-grow na ‘yong price, ‘yong value, through the years and I believe I’m ready to let go, guys. I’m ready to let go of this condo unit.

Samantala, bukod pa sa kanyang pagbebenta ng kanyang condo unit, abala rin ito sa kanyang online business na The Clean Freak PH, kung saan nag bebenta ito ng mga sterilization equipment at tools.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here