Kapag ang isang sanggol ay isinilang, nagbabago ang mundo at buhay ng kanyang mga magulang.  Malaki ang pagbabagong naidudulot ng isang sanggol. Kailangan na maglaan ng oras para sa kanya, pag-aalaga hindi lamang sa sarili kundi pati narin sa sanggol, at paglalaan narin ng budget para sa kanyang mga pangangailangan.

Hindi madali ang maging magulang at magpalaki ng anak, ngunit ito ay nakakapagbigay ng kasiyahan na hindi mapapantayan ng anumang bagay sa mundo.

Kamakailan lang ay ipinakilala ng sikat na aktor na si Carlo Aquino ang kanyang 1st baby na si Enola Mithi Aquino. Ganap nan gang ama ang aktor sa edad na 35 at pagkatapos ng mga relasyon sa mga sikat na artista sa showbiz. Subalit naging ina ng kanyang anak ay si Trina Candaza, non-showbiz girlfriend ng aktor.

Sa IG post ng aktor na may caption mula sa liriko ng isang awit ni Rico Blanco na “Your Universe”, ibinahagi nito ang close-up photo ni baby Enola. “You can thank your stars all you want but I’ll always be the lucky one.”

Makikita sa lirato na singkit ang mata ng kanyang anak at may matangos na ilong. Marahil ay namana nga ito ng kanyang anak sa kanya at sa kanyang girlfriend.

Samantala, si Carlo Aquino ay matagal ding naiugnay sa aktres na si Angelica Panganiban. Ayon sa isang sagot sa panayam sa aktor tungkol sa nakaraan nila ng aktres “Siguro po… Mahal ko siya, pero parang mas gusto nang mas friends kami. Natatakot lang talaga kasi ako na masaktan siya ulit.”

Isang mahusay na aktor si Carlo at nakilala sya noong bata pa lamang. Isa sa mga naging sikat na palabas nito ay ang palabas na “Bata Bata Paano ka Ginawa” kasama ang batiking aktres na si Vilma Santos na gumanap bilang kanyang ina.

Samantala, sa IG story naman ni Trina, ipinost nito ang picture ni Carlo karga ang kanilang baby habang pinapaarawan ang likod nito. “Thank you for taking care of me and mithi, hindi ko akalain na aalagaan mo kami ng ganito. Mahal ko kayo ng anak natin”, wika ni Trina sa kanyang IG story.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here