Pumunta naman tayo sa Lucban, Quezon at silipin ang napakagarang farm house ng aktres, at kilalang magaling na singer na si Zsa Zsa Padilla.

Mayroon farm house ang aktres a dalawang ektaryang lupain sa Barngay Piis, sa Lucban, Quezon.  Ipinangalanan ito ni Zsa Zsa na Casa Esperanza dahil inihango ito sa kanyang tunany na pangalan.

Pagkatapos ng dalawang oras at kalahating byahe galing sa Makati ay mararating muna ang farm house. Pagpasok mo sa gate ay bubungad sayo ang maraming kahoy sa isang malapad na espasyo papuntang entrance area.

Ang Casa Esperanza ay mayroong modern rustic farm house  na may halong Asian design na gawa ng partner ng aktres na si Conrad Onglao na isang architect. May iba’t ibang mga wooden furniture at recycled na Yakal wood and ginamit . May mga modernong materyales din kagaya ng glass at mayroong black roofing system na kahawig sa mga bahay sa New Zealand. Mapapansin din ang gravel pathway na gustong gusto umano ng aktres para mas maging country ang tema.

Ang farm ay punong puno din ng iba’t-ibang mga halaman na indigenous nang maituturing. Makukulay, malulusog na mga halaman at kahoy ang tunay nag nagpapaganda sa farm, makikita na mukhang malamig talaga ang lugar at may sariwang hangin.

Mayroon ding malaking pavilion ang farm. Mayroon itong wrap-around na balcony, living room sa kaliwa, at dining room sa kanan at may small showcase kitchen. Ayon kay Zsa Zsa, ginawa daw ang disenyo ayon sa gusto ng aktres para sa kanyang cooking vlogs sa susunod.  Ang gitna ng pavilion ang magiging receiving area.

Ang farm ay napakaganda at lahat halos ng kailangan mo ay nandoon na. Mayroon din itong swimming 5 by 25 meter-swimming pool  na mayroong brick oven na maaring gamitin sa pagluluto kagaya ng pizza. Maganda umanong gawing recreational area  kasama ang mga kaibigan overnight.

Ipinakita din ng aktres ang pond area kung saan mayroong meditation center na pwedeng makapag yoga, prayer, at massage place.

Kung nais mo naman ienjoy ang mga halaman at mga bulaklak, mayroon ding greenhouse area na puno ng iba’t-ibang klase ng fern collection at orchids, Mayroon din itong mga ilaw at working table kung saan maaring maging reading area at relax.ing spot dahil nakikita ang view ng pond

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here