Lumalabas ang tunay na pag-uugali at karakter ng isang tao kapag ito ay nahaharap sa mga hindi kanais-nais na sitwasyon, kagaya ng mga problema, pagsubok, at gulo.

Kamakailan lang ay lalong hinangaan ang isang napakasikat na aktor na si Daniel Padilla dahil sa kanyang kabutihang loob na ipinakita sa gitna ng isang hindi kanais nais at hindi inaasahang pangyayari.

photo credit to daniel padilla

Isang araw umano ay napadaan sa Fairview, Quezon ang sports car na dala ng aktor ng ito ay biglang nabangga ng isang tricycle. Ang video ng pangyayari ay nakuhanan ng mga netizens na sina Jessica De Vera Tamayo at Reynaldo Duron na nakasaksi mismo.\

photo credit to daniel padilla

Makikita sa video na nabangga ang rear bumber ng sports car ng aktor subalit sa pagbaba nito ay hindi makikitaan na nagalit ito sa halip ay kalmado umano nitong kinausap ang tricycle driver, at nagpaalala sa mga tao na mag physical distancing.

Maraming netizens ang namangha sa kanyang ipinakita. Sa halip na pairalin ang emosyon sa pangyayari ay minabuti ng aktor na maging positibo parin at maging mabuti sa kanyang kapwa. Binigyan pa umano nito ng pera ang tricycle na nakabangga sa kanyang mamahalin na sasakyan.

Puna pa ng mga netizens na aktwal na nakakita sa pangyayari ay napaka-gwapo umano ng aktor sa personal at mas lalo pa itong naging kahanga-hanga sa totoong buhay.

“It just shows that he was raised well by Karla Estrada. Great job to the mom!” komento ng isang netizen. “Amazing. Mga taong biniblessed pa lalo ng panginoon lalong tinataas hindi lang sa estado ng buhay! Proud of you DJ, sana madami pang DJ sa mundo”, wika naman ng isang taga-hanga ni Daniel.

Upang mawala ang pag aalala ng mga supporters ng anak, minabuti naman ni Karla Estrada na magbigay ng pahayas tungkol sa nangyari sa anak. “Guys, ok si DJ. Kaunting gasgas lang sa sasakyan. At syempre everybody happy! No problem! Tuloy ang buhay!”, sabi nito.

https://www.facebook.com/News5Everywhere/posts/2141892545967488

“Daniel is a beautiful person inside and out. God bless you heart always!”, wika pa ng isang netizen na nasiyahan sa kabutihang loob ng aktor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here