Noon pa man marami ang nakakapansin sa sobrang closeness ng dalawang kapuso artist na sila Derek Ramsay at Andrea Torres, Madalas pa nga makitang magkasama ang dalawa kahit sa labas ng bansa. Ang kanilang sweetness ay hindi dahil sa kanilang programang “The Better Woman” kung hindi may something special pala sa kanilang dalawa.

imahe mula sa Youtube

Kaya sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang program, nagkwento ang dalawang artista sa isang panayam sa Cabinet Files, kung saan dito ay may pag amin na naganap tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Sa nasabing panayam kasama ang mga piling reporters, ngayon lang naging vocal si Andrea sa kanyang lovelife.

imahe mula sa Youtube

Nang tanungin si Derek kung ano daw ang first impression ng parents nito kay Andrea; “My mom’s exact words were ‘Yan ang babaeng may breeding.’” saad ng aktor. Kung titingnan ang nasabing panayam na mapapanood sa videong ito tila tunay na kaligayahan ang nararamdaman ng seksing aktres.

imahe mula sa Youtube

Ang tawag ni Andrea kay Derek ay Babe at sa kanya naman at Chin-chin, Minsan nga ay nadulas ito sa kanilang taping at Babe ang naitawag sa aktor narito ang masayang kwento ng aktres;

“Minsan, lumulusot sa soap, e!

“Hanapin niyo doon, meron. Ako, may once, e.”

“Ako, mga three times,” sabi ni Derek.

“Dito ‘Love,’ pero kami ‘Babe’ or meron siya na tinatawag na ‘Chin-Chin.’ ‘Baby, usually…’

“Sabi ni Direk, ‘Babe. Love tayo, nadulas kayo.'”

Sa pagtatapos ng kanilang programa sa GMA ngayong linggo, nawa’y magtuloy-tuloy ang magandang bagay na nangyayari sa dalawang aktor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here