kagamitan ng baby, at pagiging abala sa pag aayos ng kanyang magiging lugar sa bahay ay isa sa mga kinagigiliwan na Gawain nga mag asawa.

At sa magiging first-time mommy at daddy, excited sina Rodjun Cruz at Dianne Medina Ilustre sa paglabas ng kanilang baby.

photo credit to dianne_medina | ig

Kamakailan laman ay nalaman na nga ng mag asawa na magkakaroon sila ng baby boy pagakatapo ng kanilang gender reveal na inupload ni Dianne sa kaniyang YouTube channel.

Kagaya nga ng mga excited parents, pinaghandaan ng mag asawa ang magiging kwarto at lugar ng kanilang first baby boy.

photo credit to dianne_medina | ig

Sa isang post ni Dianne sa kanyang IG, makikita na ang kwarto ang napakaaliwalas sa kulay puti at sky blue na mga kagamitan ng baby kagaya ng crib, unan, cabinet, at mga laruan. Mapapansin din na ang kwarto ay may disenyo na hot air balloons.

photo credit to dianne_medina | ig

Sinabi ng aktres sa kanyang post na nainlove sila ni Rodjun sa mga hot air balloons na naging motif sa kanilang engagement shoot sa Capadoccia, Turkey kaya’t ginawa din nila itong disenyo sa kwarto ng kanilang baby.

photo credit to dianne_medina | ig

Nagustuhan din ng maraming netizens ang disenyo ng mag asawa. “Wow Dianne, ang ganda naman ng baby room nyo! Your baby is so lucky and blessed to have such elegant room. Good luck to you as you face a new chapter of your life as a mother. Praying for your safe delivery. God bless!” wika ng isang follower ni Dianne.

Kahit na magiging mommy na ang aktres ay bakas parin sa mukha ang kagandahan at kasiyahan dahil sa paparating nilang blessing.

Dapat lamang na paghandaan ang pagbubuo ng pamilya lalo na ang pagkakaroon ng anak dahil ito ay isang responsibilidad na dapat gampanan ng mabuti.  Kagaya lamang ng mag-asawang Rodjun at Dianne.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here