Isang malaking biyaya, maagang pamasko, at anniversary gift ang natanggap ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Masayang-masaya at excited na ibinahagi ng mag-asawa ang pag-aanunsyo nila ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

photo credit to khsotto | ig

“Another answered prayer🙏🏻🤰💕 Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. ☺️🎁 Thank you Lord for sustaining us this entire year.. pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God. 💕 kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. 🥺🙏🏻 All glory to you God. 🥰 Salamat sa pagmamahal mo sa amin. ❤️ I LOVE YOU SO MUCH JESUS —

photo credit to khsotto | ig

I love you Oyo, Kiel,Dre,Kaleb,Vin & Baby in my belly 🤰   Best Christmas and Anniversary gift from above 🙏🏻❤️

#Babyno.5 #Believingforahealthybabygirl #2020surprise #gratefulformyfamily❤️”,

pahayag ng aktres sa kanyang latest IG post.

photo credit to khsotto | ig

Kasabay sa caption na ito ang picture ng isang pregnancy test kit na nagpapakita ng dalawang pulang guhit na nagpapatunay na positibo itong buntis, pati na rin ang resulta ng kanyang sonogram noong ito ay nagpatingin sa doctor.

Samantala, hindi rin naitago ng aktor ang kanyang tuwa at excitement sa kanyang IG post. “Nag POSITIVE!!!  Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka faithful mo kahit kailan❤️ God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo…🎁 Best Christmas gift ever👶🏻🍼 #5 #prayingforagirl”

photo credit to khsotto | ig

Hiniling ng aktor na sana ay maging babae naman ang bagong baby sa sinapupunan ng asawang si Kristine dahil sa apat nilang anak ay isa pa lang ang babae.

Hindi man aktibo sa mundo ng showbiz ang mag-asawang celebrity, hindi naman sila nawawalan ng mga endorsements kagaya lamang ng Selecta ice cream commercial nila, kasama ang kanilang buong pamilya.

photo credit to khsotto | ig

Naging abala na ang mag-asawa sa pag-aasikaso ng kanilang lumalaking pamilya lalo na ngayong may paparating na naman na baby na magiging kasiyahan na naman at katuwaan ng pamilya. Isang advance Christmas gift nga kung ituturing ng mag-asawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here