Marami ang naghahangad maging isang artista at celebrity dahil na rin sa magandang oportunidad at pagkakataon na makilala sa National TV at kumite ng Malaki at makapag-ipon upang matulungan ang pamilya.

Nakilala din natin si Loisa Andalio na dati lamang isang ordinaryong teenager na sumali sa sikat na Pinoy Big Brother o PBB: All In Edition at tinawag na ang “Talented Darling ng Parañaque”. Hindi man sya nanalo bilang Big Winner, marami naman ang nagging proyekto nito at nagging maayos ang kanyang trabaho sa showbiz dahil marami ang sumuporta sa kanyang karera.

Samantala, sa ilang taon nito sa showbiz ay nagbunga din ang kanyang pagsusumikap. Unti-unti itong nakapagpundar ng mga kagamitan at nakapagpatayo na rin ng sariling bahay para sa kanyang pamilya. Ayon sa aktres ay wala silang sariling tirahan noon.

“Three years pa lang ako sa showbiz, nakuha na namin itong bahay na ito. Kasi dati talaga noong bata ako, nakikitira lang talaga kami sa mga tito, tita,” saad ni Loisa sa kanyang latest vlog na “Family Home Tour”.

Pinaghirapan umano at bunga ng pagtityaga ng aktres ang naturang bahay. Pinag-ipunan nya ito galing sa iba’t-ibang raket na kanyang pinasok at pagtanggap ng iba’t-ibang mga proyekto sa showbiz. Paunti-unti ay nabuo din nya ang bahay. Hindi rin umano sila kumuha ng architect dahil sila na mismo ang nagdisenyo ng bahay.

Kasama din ni Loisa sa vlog ang kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte. Ipinakita nila ang iba’t-ibang bahagi ng bahay kagaya ng dining area, kusina, at ang kwarto ng ina at mga kapatid ni Loisa. May kalakihan din ang bahay na mayroong guest room, storage area, at balcony sa third floor.

 

Samantala, pagkatapos ng Family Home Tour ay tumungo naman sina Loisa at Ronnie sa sariling bahay ng aktres na kakabili lang din umano nito bilang personal investment.

“Itong bahay na ito ay this year ko lang nakuha para sa akin, sa sarili ko”, saad ng aktres. “Kaya dito namin napili kasi magkakapitbahay lang kami. Nakita niyo naman di ba, ‘yung nilakad natin? Doon lang galing, tapos dito,” pahayag pa ni Loisa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here