Kamakailan lamang sa episode ng Rated K ay naitampok si Cassie Mondragon. Ito nga ay nagbahagi ng buhay, ang bida sa Kadenang Ginto na si Cassie o mas kilalang si Francine Diaz sa totoong buhay. Ibinahagi nya ang hirap na naranasan at ng kanyang pamilya noong hindi pa sya sikat na artista, Lahad ng aktres sa edad na sampung taong gulang isa na syang breadwinner ng pamilya.

imahe mula sa Francine Diaz via Facebook

Narito ang ilang ibinahagi nya na hindi nya malilimutan na pangyayari sa kanilang buhay noong hindi pa sya nag-aartista, Ayon sa kanya sa hirap pang-pinansyal may mga araw na mas minamabuti pa nilang matulog kaysa maramdaman ang gutom. Nagagawa nilang matulog na lamang sa kadahilanan, wala silang makain. Dagdag pa ng dalagitang artista, na ang kanilang ginagawang shampoo ay ang sabong panlaba ng kanyang ina at iyon na rin ang ginagamit na sabon sa kanyang katawan.

imahe mula sa Francine Diaz via Facebook

Ayon kay Francine; ” May mga araw na natutulog na lang kami dahil wala kaming pambili ng pagkain. Baon din kami nun sa utang dahil sa pagkain.”
“Dati po kasi, ‘di na kami nakakabili ng pang shampoo namin. Yung sabon panglaba ni Mama… yun na po ang ginamit kong shampoo saka sabon ko sa katawan.”

Sambit pa ni Francine na ipinagmamalaki nya kung saan sya nagmula at kailanman hindi nya ito kinakahiya. Dagdag pa ng batang aktres, palaging inspirasyon at motibasyon ang kanyang pamilya para lalo pang pagbutihan ang kanyang trabaho.

Si Francine Diaz ay bunso sa tatlong magkakapit kung saan ang kanyang ina ay isang kasambahay at ang kanyan ama ay isang dating OFW. Sa ngayon ay 15-taong gulang na sya, at malaking pagbabago ang nangyari sa kanilang buhay buhat ng pumasok siya bilang artista.

imahe mula sa Francine Diaz via Facebook

Ayon pa sa kanya;
“Sobrang laki po ng pinagbago… ngayon po kahit kelan namin gusto kumain, nakakakain na kami.”

Hindi rin biro ang pagpasok nya sa showbiz dahil aksidenteng namataan sya ng isang talent scout at maraming audition ang kanyang pinagdaan, Inuutang pa niya ang kanyang pamasahe sa bawat audition na pinupuntahan nya. Ngayon ay nabago na ang kanyang buhay, at isa nnga sa naging dahilan dito ay ang pagiging bida nya sa inaabangang teleserye sa hapon na Kadenang Ginto.

source: push

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here