Ang Kapuso aktres na si Gabbi Garcia ang isa sa mga artistang may natural Filipina beauty kaya naman marami ang humahanga dito. Bukod sa pagiging aktres at singer, si Gabbi ay isa ring Youtuber katulad ng kanyang kasintahan na si Khalil Ramos.Kaya naman sa latest vlog ni Gabbi ibinahagi nito ang house tour, ang most requested ng kanyang mga fans.

Unang ipinakita ni Gabbi ang labas ng kanilang bahay kung saan makikita ang simpleng desenyo nito at ang DIY parking para sa kanyang Van na ipinagawa ng kanyang ama. Sa pagpasok naman sa gate nito makikita ang kanilang garden kung saan madalas niyang spot sa pagpapakuha ng litrato. Makikita rin dito ang mga halaman at mini fountain na ayon sa aktres kanyang paborito.

Sa pagpasok naman ng pintuan ng bahay bubungad ang foyer kung saan makikita ang shell theme, magmula sa upuan, tulugan ng kanyang, at ang ilang shell na nakadisplay dito.

Dumako naman tayo sa Dining area ng aktres, na ayon sa aktres talagang pinagkagastusan nilang mabili. Ang kanilang dining table ay solidong kahoy na may temang tropical glam.

May Bar area rin na makikita sa kanilang bahay kung saan naman ipinakita niya ang koleksyon ng mga alak, na halos may alaala ang bawat isa nito.

Sa kanilang living room naman ay may paikot na sofa kung saan maating makaupo ang sampung tao, Sa gilid nito makikita naman ang kanyang paboritong halaman at katabi nito ang digital frame.

Sa powder room naman hindi mo ito aakalain na isa lamang simpleng palikuran ngunit sa loob nito napaka elegante at may chandelier.

Ipinakita rin ni Gabbi sa kanyang vlog ang man cave ng kanyang ama, makikita ang mga motorcycle collections ng kanyang ama. Bukod pa diyan ibinahagi din niya ang sekretong hagdanan ng kanyang ama na may maliit na sala sa itaas nito.

Nagbahagi din si Gabbi ng music room ng kanyang kapatid, Makikita ang mga iba’t ibang gitara at instrumento sa nasabing kwarto.

Samantala ang closet naman ni Gabbi ay kanyang ibabahagi sa kanyang susunod vlog kaya ating abangan ito. Ganun din ang kanilang kitchen area, dahil ayon sa dalaga ay under renovation pa ito.

Panoorin ng buo sa videong ito:

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here