Maituturing na isa sa mga pinaka-sikat ng barkada serye noon na “Tabing Ilog” na umere ng apat na taon mula 1999 – 2003. Ngunit makalipas ng halos dalawang dekada mula nang una itong ipalabas ay bigla nalang itong naglaho na parang bula sa mundo ng showbiz.

Samantala, matapos ang matagal na showbiz break ay hindi niya maiiwasan ang mga tanong sa kanyang mga fans niya kung may posibilidad pa ba siya na bumalik sa industriya. Kaya inilahad niya din ang totoong nangyari tungkol dito.

Sa panayam ng PUSH, ipinahayag ng dating aktres ang kanyang kasiyahan sa uri ng buhay na meron siya ngayon ng ito nga ay tumigil sa mundo ng showbiz. Sabi ni Paula ay gusto niya raw munang maging abala sa pagiging full-time na ina at negosyante.

“Right now, I’m a full-time mommy while I have jobs on the sideline. I have social media work, I still have travel agency but mostly I’m a full-time mama,” sabi niya sa interview.

Bukod pa dito, binanggit ng kapatid niyang si Rica Peralejo na hindi talaga niya namimiss ang industriya ng showbiz at mas pipiliin niya ang kanyang nag-iisang anak na lalaki kaysa ipagpatuloy ang kanyang karera bilang isang artista.

Kahit na kung magkakaroon ng isang comeback project para sa tanyag na seryeng “Tabing Ilog” kung saan siya nag starred in, maaaring isipin niya ito kung pansamantala lamang ito at walang long-term commitment.

Kung hindi man, mas uunahin parin ang pagiging ina muna sa kanyang anak.

“Hindi ko pa alam, depende muna sa gagawin siguro kung isang madalian na ano lang, pero kung kunwari It’s a long term commitment, I’d rather focus on my son muna.”

Si Paula Peralejo ay kilalang-kilala bilang isang teen star mula sa seryeng telebisyon na “Tabing Ilog”. Siya ang nakakabayang kapatid ng aktres na si Rica Peralejo.

Source:  Get In Touch / YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here