Likas sa tao ang nagkakagusto sa mga magagandang bagay, kasama na rin ang pagnanais ng magandanda mukha at katawan. Kaya naman maraming mga pampagandang paraan ang pinag-aaralan at ginagawa ng karamihan sa atin upang maging magmukhang kaaya-aya at maganda sa harap ng salamin at sa harap ng ibang tao.

credit to genevacruzofficia | ig

Sa pagkakadiskubre ng mga makabagong teknolohiya, ang pagpapaganda ay naging mas madali ngunit may kaakibat din na halaga.

credit to genevacruzofficia | ig

Samantala, hindi na bago sa ilang mga kilalang personalidad lalo na sa mga artista ang pagpaparetoke o pagpapaayos ng mukha at katawan dahil ito ang kanilang puhunan sa kanilang trabaho. Kailangan nilang maging maganda sa harap ng kamera upang magustuhan ng mga manunood at ng mga fans.

credit to genevacruzofficia | ig

Samantala, isa na marahil si Geneva Cruz sa mga artsitang hindi exempted sa pagpaparetoke ng bahagi ng mukha upang lalo pang maging maganda at maging confident sa sarili lalo na sa pagharap sa kamera. Si Geneva ay isa sa mga sikat at magaling na singers na sumikat noong dekada 90.

Kilala din ang kanilang angkan na Cruz bilang mga magagaling na singers at mga may mga magagandang mukha kagaya lamang nina Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Donna Cruz, Tirso Cruz, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz.

credit to genevacruzofficia | ig

Ilan sa mga sumikat na kanta na kinanta ng singer na si Geneva ay ang “Anak ng Pasig”, “Ang Gaan ng Feeling”, “Pangarap ka”, “Love Can Wait”, at marami pang iba.

credit to genevacruzofficia | ig

Ayon sa kwentong ibinahagi ni Geneva Cruz sa kanyang social media, okay naman umano ang kanyang mukha at sa katunayan ay marami din syang manliligaw noon. Subalit mayroon daw pumuna sa kanya na Malaki umano ang kanyang ilong sa mga palabas na ginampanan nya. Kaya simula noon ay naging conscious na sya sa kanyang ilong.

credit to genevacruzofficia | ig

Pinaayos umano ni Geneva ang kanyang ilong noong 16 taong gulang pa lamang sya. Marami ang pumuna sa pagbabago sa kanyang mukha ngunit hindi nagpaapekto ang singer. Mas lalo pa nyang inalagaan at minahal ang kanyang sarili.

credit to genevacruzofficia | ig

Payo ng singer-aktres, kung may gusto ka umanong pagbabago sa katawan ay ikaw pa rin ang makakapag desisyon nito, ang mahalaga ay hindi ka nagpapa-apekto sa sasabihin ng iba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here