Sa mundo ng showbiz, magiging angat ka sa iba kapag ikaw ay may naiibang talent, talentong naangat sa iba, o di naman kaya ay may angking kagandahang pisikal na angat sa iba.

photo credit to g_eigenmann_ | ig

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa mga Eigenamann? Ryan Eigenmann, Gabby Eiganmann, Andy Eigenmann, at Geoff Eigenmann ay ilang lamang sa mga aktor na sumikat at nakilala sa industriya ng showbiz.

The Killer Bride ang isa sa mga pinakahuling teleserye kung saan kasama ang aktor na si Geoff Eigenmann na gumanap sa karakter ni Vito dela Cuesta.

photo credit to g_eigenmann_ | ig

Madalas itong nagiging leading man or mayroong lead role sa mga teleserye at mga pelikula dahil sa angkin nitong kagwapuhan at galling sa pag aarte. Subalit sa likod ng kamera ay isa siyang simple at responsableng ama sa kanilang anak.

Ang aktor ay isang mapagmahal na asawa at maalagaing ama sa kanilang dalawang anak, malayo sa kanyang mga role na ginanapan sa pag aartista.

photo credit to g_eigenmann_ | ig

Makikita sa mga IG posts ni Geoff ang tuwa at pagiging satisfied at fulfilled sa kanyang estado sa buhay ngayon kasama ang kanyang pamilya. Kapiling ng aktor ang kanyang fiancée na si Maya Flores, at ang kanilang mga anak na sina Beanie at Angus.

Noong Agosto 2019, naging guest ang aktor sa show na Magandang Buhay kung saan siya ay nasorpresa ng kaniyang pamilya. “These three surprised me on national TV!” sabi ng aktor sa IG post.

Kumakailan lamang ay ipinagdiwang ng pamilya ang ika-1st birthday ng kanilang bunsong si Angus. Gumawa sila ng selebrasyon sa pamamagitan ng pag lulaunch ng kanilang YouTube vlog.

photo credit to g_eigenmann_ | ig

Inanyayahan ng aktor na subaybayan ng mga netizens ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pag subscribe sa kanilang channel. Marami naman ang natuwa at naging excited sa mga susunod pang pakakaabangan sa isa na namang pamilyang magaganda at gwapo sa mga lahi ng Eigenmann.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here