Kilala si Gretchen Barretto bilang isang napakahusay na aktres sa Kapamilya network. Ayon sa isang report, nagsimula ang kanyang karera noong ini-launched ang kauna-unahang Regal Babies kasama akong former child aktres na si Janice de Belen taong 1984-1987.

Ipinanganak ang aktres noong March 06, 1970 at may isang anak siyang si Dominique Cojuangco sa asawa niyang si Antonio “Tony Boy” Cojuangco Jr.

Samantala, proud na proud ang aktres na si Gretchen na ipinasilip ang kanyang engrandeng bagong bahay niya sa kanyang mga kaibigan, pamilya at pati na rin sa kanyang mga fans. Sobrang laki ng bagong bahay ng aktres at ayon mismo sa video ay hindi pa ito kompleto sa furniture dahil work in progress pa daw ito.

Pero talaga namang napakaganda ang interiors nito, naging emotional si Gretchen nang makita niya ang kanyang Mommy Inday na kasama sa mga bumisita sa kanyang bahay at makikita din sa video na habang naghohouse tour ang aktres ay nagyakapan ang mag-ina at maririnig na sinabi ni Mommy Inday na pinaplano niyang tumira sa bagong bahay ng kanyang anak.

At ayon pa sa report, nag-celebrate ang kanyang longtime partner na si Tony Boy Cujuangco at shinare niya ito sakanyang social media account.

Makikita sa mga litrato na nandoon ang kapatid na si Claudine Barretto at ang business partner ni Gretchen na si Atong Ang.

Pagkatapos ng kanilang dinner ay doon na sila pumunta sa bagong bahay ni Gretchen sa Dasmarinas Village, Makati City. Masayang umiikot sa loob ng bahay ang mga ito at makikita din sa video na rumarampa si Gretchen sa napakalaking espasyo ng kanyang bahay.

 

View this post on Instagram

 

Twirling time in the House. #livelovelaug

A post shared by Bettina Aspillaga (@bettinaspillaga) on

Samantala, sa huling post ipinakita ang swimming pool, na hugis-parihaba at sinamahan ng mga berdeng halaman sa tabi ng pool.

Talaga namang mala-mansyon ang bagong bahay ng batikang aktres na si Gretchen Barretto. Ano ang masasabi niyo tungkol dito?

Source: Celebrity Story / YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here