Naaalala nyo pa ba si Harlene Baustista? Siya ay isa sa mga sikat na aktres na nagsimula bilang isang child star noong 1981 sa programang Oh, My Mama. Naparangalan din sya sa FAMAS Award bilang Child Best Actress sa kanyang pag-ganap sa pelikulang Broken Marriage noong 1983.

Sunod-sunod na ang mga naging proyekto ng aktres sa industriya ng pag-aartista hanggang sa pinasok na din nito ang pagiging isang film producer. Si Harlene ang producer ng pelikulang Umaaraw, Umuulan noong 2006, at Raketeros noong 2013.

Si Harlene Bautista ay anak nina Rosario Bautista at ng actor at director na si Herminio ‘Butch’ Bautista. Ang aktres ay kapatid ng aktor na si Herbert Bautista at Hero Bautista. Samantala, ikinasal naman ito sa kanyang katambal na aktor noon na si Romnick Sarmenta, ngunit noong 2018 ay naghiwalay din.

Samantala, sa kabila ng pagtatapos ng kaniyang love story sa aktor, pagkalipas ng ilang taon ay nakatagpo muli ng bagong pag-ibig itong si Harlene. Kamakailan lang ay ibinahagi nito ang masayang selebrasyon nila ng kanilang first monthsary ng kanyang karelasyon na si Federico Moreno.

“Happy 1st month, my love. #blessed #love “I never thought life would be sweet again. Thank you,” caption ng aktres sa kanyang Instagram post. Makikita sa litrato na masaya ang aktres sa bagong boyfriend na anak ng kilalang aktor, host at entertainer na si Kuya Germs.

Ayon kay Harlene, mas nauna umanong isinapubliko ni Federico ang kanilang relasyon kaya hindi na rin nito itinago ang kanilang relasyon.

“Hindi ako napilitan kung baga nagka go-signal ako na mag-post. Kasi ayoko rin naman na masyadong post ng post kasi hindi naman sya artista. Hindi naman talaga sya showbiz na showbiz. We all know that he’s the son of kuya Germs pero private talaga sya”, pahayag pa ni Harlene.

Inamin din ng aktres na kinikilig umano sya na proud ang kanyang boyfriend sa kanya at hindi nito ikinakaila na mayroon silang relasyon.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here