Maraming pamilya ang pansamantalang nagkawalay dala ng mahigpit na paglalakbay sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Isa na diyan ang mag-asawang Chiz at Heart na halos 100 na araw na hindi nagkasama dahil nga itong si Chiz ay nasa Sorsogon at si Heart naman ay narito sa Maynila ng ipatupad ang ECQ.

Ngunit ang matagal na pagkawalay ay napalitan ng hindi maitagong kasiyahan, nang nitong lang nakaraang araw ay tuluyang ng nakabyahe ang magandang kapuso aktres na si Heart patungong Sorsogon. Dahil nga sa ibinababa ng ating gobyerno ang mahigpit na ECQ sa MGCQ nangangahulugan na maaari ng bumiyahe sa mga ligtas na lugar lalo na kung ito ay kinakailangan.

Makikitang sa Instagram post ng aktres ay may nakalatag na katagang “At long last”
Sa kanilang matagal na pagkawalay hindi maiiwasan na hindi mamiss ang bawat isa kaya naman kwento ng aktres sa tuwing mamimiss nito ang asawa ay isinusuot na lamang nito ang jacket na bigay ng mister.

Ayon pa sa aktres hindi rin hadlang ang distansya kung tunay kayong nagmamahalan, bagkus ang pagkakalayo ng bawat isa ay nagpapatatag pa ng pagmamahal sa mga taong nagmamahalan. Kaya naman mas lalong kinilig ang netizens sa kanilang dalawa.

Pagdating ng aktres sa Sorsogon iba’t ibang aktibidad ang kanyang ginawa dito tulad na lamang ng mga ito;

Namasyal at bumisita sa iba’t ibang lugar ng Sorsogon province.

Nag-shopping ng mga hand made craft na talaga namang gawang Sorsogon.

Pagpipinta, lumabas pa rin ang talento ni Heart ng pintahan nito ang kwarto nang may temang kalikasan. ” Bringing the outside, indoors. 😊 For this project, I was inspired by Sorsogon’s abundant greenery. 🌱💚 I wanted to reflect it in our home’s interiors. ✨ Special thanks to @aguilarjeck and @kristineiralesaca for helping me fill in the greens on the areas I couldn’t reach.” 

Pamamahagi ng vitamin C sa iba’t ibang hospital gayun na din ang wheelchair para sa mga nangangailangan.

Anong masasabi ninyo sa pagbabalik ni Heart sa Sorsogon kung saan nakapiling nitong mula ang asawa at nakapag kawang-gawa pa ito sa mga nangangailangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here