Usong-uso ngayon sa social media ang iba’t ibang house tours ng mga kilalang personalidad at mga artista. Dahil roon, maraming tao ang nagrerequest sa kanilang mga idolo para gumawa ng house-tour vlog.

Isa sa mga patok na vlog ngayon ang house-tour ni Donnalyn Bartolome. Si Donnalyn ay isang sikat na aktres, singer, songwriter at vlogger. Sumikat siya sa kanyang kantang “Kakaibabe” na unang narinig noong taong 2014.

Sa unang bahagi ng video, sinabi ni Donnalyn na tatlong taon na silang nakatira sa kanilang bahay. Ayon pa sa kanya, lumipat na sa ibang bansa ang kaniyang pamilya kaya napagdesisyunan nalang nilang ibenta ito.

Ayon kay Donnalyn, hindi raw talaga niya gusto ang idea ng paghouse-tour dahil pinapahalagahan nito ang kanyang pribadong buhay at natatakot rin siya na baka maka-akit ito ng mga magnanakaw.

Sa pagpasok ng gate ay makikita kagaad ang kanilang garahe na pwedeng pagkasyahan ng dalawang sasakyan. Ang front-door naman ay makikitang may malaking letrang “M” na mula sa kanilang tunay na apelyedo.

Pagpasok sa living room ay proud na proud naman si Donnalyn na ipinakita ang kanilang air-conditioner. Makikita rin ang kakaibang design ng kanilang chandelier na nakasabit sa tray-type na kisame.

Walang tigil rin ang pagpapatawa ni Donnalyn habang ipinapakita niya ang iba’t ibang parte ng kanilang bahay gaya ng pool, garden, mga kwarto, terrace, kitchen, toilet and bath, at iba pa.

Sa kabila ng mga pagpapatawa ni Donnalyn, hindi pa rin niya napigilan ang maging emosyonal sa huling bahagi ng video. “Maybe because it’s my first time seeing the house again without the kids. I miss them so much… Ba-bye sa bahay na ‘to, thank you, thank you for sheltering us.” sabi ni Donnalyn.

Sa huling bahagi rin ng video ipinakita ni Donnalyn ang flashback ng mga masasayang moments niya kasama ang kanyang pamilya sa loob ng naturang bahay. “Actually, this shouldn’t be called a house tour because this was really a home to us.” wika ni Donnalyn.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here