Hindi mawawala ang tampuhan o hindi pagkakaunawaan ng magulang at kanyang anak. Parte ng pagiging isang pamilya ang tampuhan dahil dito matututo ang anak sa kanilang mga pagkakamali. Natututo din ang mga magulang na pakinggan ang mga hinain at opinion ng kanilang anak. Ang magulang ang humuhubog ng karakter ng kanilang anak, kaya mabuting gumamit ng tamang disiplina.

photo via Katrina Halili | Instagram

Maging si Katrina Halili at ang kanyang anak ay madalas din magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ikinuwento ni Katrina kung paano niya dinidisiplina ang anak niyang si Katie. Si Katie ay anak ni Katrina sa dating nobyong si Kris Lawrence. 2 taong gulang pa lamang si Katie noong naghiwalay si Katrina at Kris. Ngayon ay 7 taong gulang na siya at mag-isang itinataguyod ng kanyang ina.

photo via Katrina Halili | Instagram

Ayon kay Kris ay maayos ang kanilang hiwalayan at minan ay nabibisita niya ang anak. Si Katie ay nakakatanggap din ng suporta mula sa ama. Si Katie ay nasa poder ni Katrina at minsan ay hindi naiiwasan ang pagtatalo ng mag-ina.

photo via Katrina Halili | Instagram

Nagpost si Katrina sa kanyang Instagram account at isinaad kung bakit sila nag-away ni Katie. Ayon kay Katrina, sinira ni Katie ang kanyang damit kaya siya ay nagalit. Ayaw ng aktres na gamitan ng dahas ang pagdidisiplina sa anak. Nagkulong na muna si Katrina sa kanyang kwarto para maiwasan na paluin si Katie. Nais niyang lumayo at palipasin ang sama ng loob bago pa niya masabihan ng masakit na salita ang anak.

photo via Katrina Halili | Instagram

Ibinahagi ni Katrina sa kanyang Instagram account ang larawan kung saan makikita siyang umiiyak. Matapos ng ilang minuto ay sumunod din sa kanyang kuwarto si Katie at humingi ng tawad sa ina. Labis ang pagmamahal ni Katrina sa anak kaya agad niya itong pinatawad sa nagawang kakulitan.

photo via Katrina Halili | Instagram

Hindi nagtagal ang tampuhan ng mag-ina dahil natutong umamin si Katie sa nagawa niyang pagkakamali at humingi ng tawad sa ina. Ayon kay Katrina, mas mabuting kumalma upang hindi masabihan ng masasamang bagay ang anak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here