Kamakailan lamang ay nagtrending sa social media ang post ni Jinkee Pacquiao na Hermes na mga bisikleta na may caption na “his and hers”. Marami ang namangha, at may iilang pumuna.

Kilala ang asawa ng Pambansang Kamao na mahilig sa mga mamahaling gamit tulad ng bags, sapatos, mga damit, at iba pa.

photo credit to jinkeepacquiao | ig

Ayon sa isang ulat sa Bloomberg, ang bike na Hermes ay nagkakahalaga ng $11,000 o kung susumahin ay aabot ng 545, 000 pesos. Talaga namang napakamahal.

photo credit to jinkeepacquiao | ig

Pinuna ito ng isang aktres na si Agot Isidro dahil umano sa hindi pagiging sensitibo ni Jinkee sa kanyang magarbong post sa social media dahil marami daw ang naghihirap ngayong panahon ng COVID-19.

photo credit to jinkeepacquiao | ig

Subalit bukod pa sa bisikleta, ipinasilip din ni Jinkee ang kanilang mansion sa General Santos noon sila ay bumisita at nagbakasyon doon.

photo credit to jinkeepacquiao | ig

Makikita sa video na lahat ng gamit ay talagang mamahalin, magmula sa mga carpets, wall decors, figurines, paintings, chandeliers, mga upuan at lamesa, at iba pa.

Sa iyong paglabas ay punong-puno ng samut saring mga halaman ang mansion. May mga halamang namumulaklak, mga air humidifiers na tanim, hanging plants na halos ay punuin ang palibot ng bahay. Napakagandang tingnan at nakaka relax sa mata.

photo credit to jinkeepacquiao | ig

Tila Hanging Gardens of Babylon ang mansion ng mga Pacquiao, na potensyal maging tourist attraction ng bansa kung papayagan nilang puntahan ito ng mga tao.

Kita rin sa post ni Jinkee ang litrato nilang mag iina sa nakasakay sa krwahe na hila-hila n kalabaw. Nais umano ni Jinkee na maranasan ng mga anak ang kanyang naranasan noon sa kanilang probinsya bago pa man nila narating ang kanilang buhay ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Nakamit na nga ng pamilya Pacquiao ang magagandang bagay sa buhay, kasama narin ang pagiging malapit sa Diyos na madalas ibinabahagi din ni Jinkee sa kanyang mga posts sa social media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here