Taong 2016 ng February matapos mamangha ang mga tao sa natatanging alindog at mukha ng tinaguriang “Carrot Man”. Ito ay matapos siyang mag viral sa social media ng makunan ng litrato kung saan sya ay nagdadala ng basket na puno ng mga carrots.

Siya ay nakatira sa Benguet at ang tunay niyang pangalan ay si Jeyrick Sigmaton. Nag viral ito sa socoal media matapos ipost ng isang netizen na si Edwina Bandong sa kanyang Facebook Account na talaga namang pinagkaguluhan ng karamihan ang nasabing post ay umani ng samu’t-saring reaksyon at pagpupuri kay Carrot Man.

Ngunit, nasaan na si Carrot Man ngayon?

Matapos nga ang panandaliang kasikatan online at sa telebisyon ay nag iba na rin ang buhay ni Jeyrick. Marami ang humanga at nag suporta sa kanya. Kagaya na lamang ng ibat ibang TV Show Guesting, Modeling, at pati na rin ang pagiging singer.

Nagkaroon din siya ng mga billboards, magazines. Kaya naman ang tanong ng karamihan kung nasaan na nga ba si Carrot Man.

At kinumpirma niya rin sa Show ni Willie Revillame na siya ay isa ng miyembro ng FAB4Z Band. Talagang makikita na iba na ang kanyang pamumuhay ngayon, hindi na sya nag dadala ng mga basket na punong puno ng carrots. Ngayon siya ay isa ng modelo at singer.

Sa kanyang mga social accounts naman ay makikita ang pag pag post niya ng kanyang pag momodelo at ang pagbabanda. Talagang malayo na kanyang narating kumpara noon.

Samantala, siya rin ay na featured sa Kapuso Mo Jessica Soho kung saan siya ay isang Igorot sa isang Mountain Province sa Benguet at patuloy rin sisusubaybayan ng ‘KMJS’ ang kanyang buhay noon at ngayon.

Sa kanyang Facebook page, si Jerick Sigmaton o mas kilala sa tawag na “Carrot Man” ay makikitang naglalakbay sa buong Asya, tulad ng nakikita sa ilang mga larawan na nai-post niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here