Naging produktibo ba at makabuluhan ang ilang buwan mong pamamalagi sa iyong bahay dahil sa quarantine? Malamang ang iba ay bagot na bagot na at nahihirapan na sa new normal na buhay na dulot ng pandemya. Subalit marami din naman ang naka adjust na at marami ang nagawang mabuting bagay dahil sa matagal na pananatili sa bahay bunga ng quarantine.

image credit to janeoineza | ig

Isa na rito ang aktres na si Elizabeth Jane Urbano Oineza o mas kilala bilang Jane Oineza. Bukod sap ag aarte, magling din na modelo at singer si Jane. Unang nagsimula si Jane bilang child star sa Goin Bulilit at Kung Fu Kids.

Lalong nakilala ang aktres nang ito ay sumali sa sikat na reality TV show na Pinoy Big Brother o PBB. Marami nading ginampanan na roles si Jane sa mga pelikula, TV shows, at commercials. Nakatanggap na din ng mga pagkilala at parangal hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa international awarding body kagaya ng kanyang pagkapanalo ng World’s Best Actress certificate at International Emmy nomination sa pelikulang Manika 2012.

image credit to janeoineza | ig

Samantala, hindi naman exempted ang aktres na makaranas ng quarantine kagaya ng iba sa atin. Subalit ibinahagi nito paano naging makabuluhan ang kanyang pamamalagi sa loob ng kanyang bahay ng ilang buwan.

image credit to janeoineza | ig

Ayon kay Jane, masaya siya dahil nagawa na rin nya ang matagal na nyang gustong gawin – ang paghahalaman. Katulad na rin ng marami, isa nang miyembro ng plantita group ang aktres.  Ibinahagi ng aktres ang kanyang plantita experience sa panayam sa kanya ni DJ Jhai Ho sa isang episode ng Hotspot.

image credit to janeoineza | ig

Noong simula umano ay hindi pa alam ni Jane ang mga tamang gawin hanggang sa natuto nadin ito. Personal nya mismong inaalagaan ang mga halaman, at nilalagay sa mga paso. Ilan sa kanyang mga koleksyon ay ang mga samu’t-saring air humidifiers kagaya ng snake plant, ivy plant, philo plant, cactus, spider plant at mayroon din syang rubber tree.

Bukod naman sa paghahalaman, ibinahagi din ng aktres na ang sikreto ng kanyang pagiging fit and healthy ay ang consistent na intermittent fasting.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here