Kilalang artista ng kapamilya network na si Janella Salvador ay inireklamo ng kanyang Personal Assistant o PA. Si Janella Salvador ay mula sa showbiz royalty at nabibilang sa kilalang angkan ng mga artista sa mundo ng showbiz. Kilala ang kanyang mga magulang na isang singer at ama na dating aktor.

Si Janella ay nag-umpisang nakilala sa programang Be Careful With My Heart na pinagbibidahan ni Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Gumanap bilang anak ni Richard Yap sa nasabing programa at simula noon ay nagtuloy tuloy na ang kanyang pagsikat. Matapos ang programa si Janella ay dinagsa ng proyekto kung saan naging recording artist din ito dahil ganda ng kanyang boses na alam naman nating minana niya sa kanyang ina.

Ngunit ang dating PA ni Janella ay lumapit sa programang Raffy Tulfo in Action at inirereklamo ang dalagang artista sa hindi nito pagbibigay ng kulang na sahod, na may halagang 3,600php, At sa pagpapatuloy ng katanungan ni Idol Raffy sinabi nito na ang kanyan sinasahod bilang PA ni Janella ay umaabot lamang sa 8,000 a month. Emosyonal din na binaggit ng dating PA na ang kanilang kinakain sa bahay ng amo ay iba kaysa sa mga ito. Lubhang nagulat si Idol Raffy sa mga nalaman.

Samantala sibukan naman tawagan ng staff ni Idol Raffy si Janella ngunit lubhang hindi nito sinasagot ang tawag. Sa ganito sanang paraan mabibigyan ng pagkakataon ang panig ni Janella na magpaliwanag at malinis ang pangalan nito.

Ganun pa man abangan na lamang natin ang magiging reaksyon ng mga netizens.

Panoorin ang buong vide dito:

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here