Nagsimulang sumikat noon ang dating child star na si Jillian Ward nang lumabas at bumida sa maraming teleserye na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network at sa paglipas ng panahon napanatili ng dalaga ang magandang pagtakbo ng kanyang karera bilang artista.

Sa katunayan, isa na sa mga pinaka-bigating star ng Kapuso Network si Jillian Ward sa edad na 15-anyos, at isa na sa may pinaka-maraming fans at followers sa kanyang social media accounts kabilang na dito ang kanyang Instagram na may mahigit 2 million na followers.

Matatandaang siya ay unang nakita sa isang TV Commercial ng Promil.

At dahil nagdadalaga na ang aktres talaga naman mas madaming fans nito ang nakapansin na mas lalong gumaganda ang dating child star. Talaga namang hindi mapigilan ng mga netizens na magbigay ng komento sa mga sexy photos at sa mala-diyosang ganda ni Jillian Ward.

Ayon nga sa isang fans, ay after 5-years ay maaaring si Jillian na rin daw ang susunod na magiging Marian Rivera ng GMA Network.

Kamakailan lang ay nagpost ang dalaga sa kanyang Instagram account na talaga namang ikinagulat ng mga netizens dahil sa napaka-gandang Jillian Ward na kanilang nakita ang larawan sa post na kanyang in-upload ay nakakuha ng 188k likes at 3000 comments nito lamang Sabado.

“Oh is that really you Trudis liit? You’re already grown-up and so pretty na and gorgeous pa.” sabi ni @ronanborja1205 sa Instagram post ni Jillian.

Marami ding mga fans ng dalaga na binibigyan siya ng advice na palaging mag-iingat sa kahit anumang mga gawain dahil marami daw ang mga nagmamahal sa kanya. Kaya naman lagi nating ingatan ang ating kalusogan araw-araw dahil yan ang tanging daan natin para mas mapalawak pa ang mga proyekto at maipapakita sa mga tao na deserve mo talaga ang bagay na iyong nakamit sa buhay.

Ang pagiging isang sikat na artista ay dapat mo pagka-ingatan dahil sa bawat galaw na iyong nagagawa ay ang mga tao sa paligid ay palaging nakamasid.

Nagpapasalamat kami saiyo Jillian Ward dahil marami kang mga napasaya na mga fans mo at mas lalo mo silang iniingatan at pinaparami. Marahil na din siguro sa angking kabaitan mo sa kanila kaya dumadami sila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here