Natuwa ang mga netizens nang makita sa Instagram post ni Jinkee Pacquiao kung saan makikita nilang tinuturuan sila ng kanilang Mommy at Daddy na sina Jinkee at Manny. Ayon kay Mommy Jinkee, habang naka quarantine sila ay tinuruan pala nila ang kanilang mga anak na babae kung paano maglaba.

Sa katunayan, happy naman sila dahil masunurin ang kanilang mga anak at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba.

Ang pamilya Pacquiao ay hindi lamang hinangaan ng publiko at ng marami pang lahi sa buong mundo dahil sa pambihirang husay ng kanilang haligi ng tahanan na si Manny Pacquiao sa ibabaw ng ring kundi dahil sa pagiging mapagpakumbaba at mapagbigay ng kanilang pamilya sa kabila ng kanilang nakakalulang yaman.

Bukod pa sa mga ito ay napakatatag din ng kanilang pananampalataya sa Diyos at pagmamahalan bilang isang pamilya.

Bagamat mayroong limang mga anak sina Manny at Jinkee na sina Jimuel, Michael, Mary, Queenie, at Israel ay talaga namang naibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak at napag-aaral sila sa isang mamahaling paaralan.

Talaga namang kahanga-hanga ang naging pagpapalaki nila sa kanilang mga anak dahil kahit pa hindi sila lumaki sa hirap tulad ng kanilang mga magulang ay hindi naman sila naging mayayabang o masama ang ugali, bagkus ay naging mababait silang mga anak na may takot rin sa Diyos at matinding pananampalataya.

May kasabihan nga na habang bata pa ang ating mga anak ay turuan na sila ng magagandang asal at mga kapaki-pakinabang na gawain upang sa paglaki nila ay marunong sila sa buhay at maging isang mabuting ehemplo sa mamamayan.

Tunay nga na naging kapaki-pakinabang at produktibo ang mga oras na lumilipas habang pinapairal pa rin ang enhanced community quarantine sa ilang mga lugar sa bansa. Talaga namang huwaran at inspirasyong maituturing ang pamilyang ito para sa maraming mga pamilyang Pilipino.

Patunay sila na napakahalaga ng matatag na pananampalataya at masayang pamilya kumpara sa mga materyal na bagay sa mundo.

Panoorin ang video:

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here