Marahil kakaunti lamang ang nakakakilala kay Mara Hautea Schnittka, dahil sikat sya bilang si Julia Montes. Isa sya sa mga pinakasikat at pinakamagandang aktres ngayon. Nagsimula sya bilang child actress sa Goin Bulilit.

montesjulia08 | ig

Dahil sa pagiging isang Filipino-German, angat ang kagandahan nito. Mas lalo syang nakilala dahil sa kanyang pag-ganap bilang isang kontrabidang si Clara del Valle sa remake ng Mara Clara (2010–11), at nasundan pa ng kanyang debut film sa isang family-oriented drama na Way Back Home noong 2011.

montesjulia08 | ig

Samantala, dahil sa pandemya ay pansamantala ring natigil ang mga proyekto nito. Ngunit isang napakagandang beauty transformation ang kanyang ibinahagi kamakailan lang sa kanyang IG post.

montesjulia08 | ig

Sabi nito sa kanyang caption “I have everything I need to be happy”. Mukha ngang masaya at stress-free ang aktres sa larawang ipinakita nito. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang bagong hairstyle at hair color na blonde.

Marami sa kapwa nya artista ang nagbigay ng magagandang papuri sa new look ni Julia. Wika ni Neri Miranda, “Ang ganda gandaaaa mo!” at nagkomento din si Agot Isidro na “Ang ganda ganda mo beh”.

montesjulia08 | ig

Sa isa namang post nito, nilagyan nya ng caption na “Don’t let the behavior of others destroy your inner peace.”

Lalong lumutang ang banyagang ganda nito sa kanyang new hair style at color at nagustuhan ito ng mga followers niya.

montesjulia08 | ig

Samantala, sa kabila ng pansamantalang pagpapahinga sa showbiz ay ginamit ni Julia ang oras sa pag-aaral. Ito ay nag-enrol sa isang online class.

montesjulia08 | ig

“Here’s to a new journey FROM HOME! I am glad to be part of Southville International School and Colleges as I officially go back to school. This is how I turn a crisis into an opportunity, doing things I’ve always wanted now that I have the luxury of time. Indeed, education is a lifelong venture”, pahayag nito sa kanyang post.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here