Hindi naman lingid sa ating kaalaman na si Karla Estada at Rommel Padilla ay dating magkarelasyon ngunit hindi nauwi sa maganda dahil na rin sa hindi pagkakaunawaan. Ngunit nanatili naman silang magkaibigan sa kabila ng kanilang pinagdaanan.

imahe mula sa magandang buhay | YouTube

Gayunpaman naging daan ang kanilang anak na si Daniel Padilla upang mapanatiling maganda ang kanilang relasyong pagkakaibigan. Sa isang instagram post ni Karla Estrada ibinahagi nito ang larawan nilang tatlo kung saan may caption ito patungkol sa buhay pagpapatawad na siyang nagbigay sa inspirasyon sa kanyan maraming followers.

imahe mula kay Karla Estrada | IG

“Lahat ay lilipas, lahat ay magpapatawad at sa huli lahat ay magiging masaya. Para sa anak mula sa ina,” – Karla Estrada sa kanyang IG post.

Sadyang ganyan naman talaga ang buhay matututo tayo sa ating pagkakamali at mapatawad ang mga taong nagkamali sa atin. Ayon nga sa kasabihan kung ang “Panginoon ay nakakapagpatawad tayo pa kayang kanyang mga anak lamang” Kaya naman sa guesting ni Rommel Padilla sa programa ni Karla na madandang buhay nasambit nito ang mga katagang ito.

imahe mula sa magandang buhay | YouTube

“Thank you, dahil sa iyo nagampanan ko iyong obligasyon ko kay DJ. Siguro kung hindi ka naging ganung nanay, malamang napabayaan ko eh. Hindi ko siguro natutukan, hindi ko siguro nakita sa pagdating ni DJ sa edad na ito. Thank you,” – Rommel Padilla

Sinagot naman ito ng Queen Mother ng showbiz;
“And ako never akong nakaramdam ng kahit pitik sa tainga, kahit na anong pagalit noong kaming dalawa’y nagsasama pa. So na-appreciate ko lahat iyon. Kaya hanggang ngayon lumaki si Daniel, pinagsisigawan ko ang tatay mo ay napakabuting tao,” – Karla.

imahe mula sa magandang buhay | YouTube

 

Sa nasabing Magandang Buhay episode nagbahagi din si Karla ng ilang words of wisdom para sa lahat ng magkakarelasyon na hindi nagkatuluyan. Kung nauwi man sa hiwalayan ang isang relasyon mainam na mas mabuting magkaibigan para sa anak nang sa ganun manatiling buo ang kanilang pagkatao at maiwasan ang insecurities.

Sa ngayon ang nasabing Instagram post ni Karla ay may mahigit na 126,000 libong likes, kasabay pa niyan ang pagkatuwa ng ilang mga showbiz personalities.

source 1,2

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here