Kilala si Kathryn Bernardo bilang isa sa mga pinaka sikat na artista sa kanyang mga kasabayan ngayon. Napakarami na nitong mga proyekto ang natapos at nagampanan ng mahusay. Marami din itong mga endorsements. Nagsimula lamang ito bilang child star at at ngayon ay kilalang-kilala na at marami na rin ang naigawad na mga parangal at pagkilala sa kanya sa kanyang mahusay na pag-ganap sa iba’t-ibang pelikula.

credit to kathryn bernardo | youtube

Samantala, bukod naman sa pag-arte sa harap ng kamera ay mahilig din umano sa pag-aasikaso sa kanyang bahay si Kath. Masinop ito at maayos sa kanyang mga kagamitan lalong-lalo na pagdating sa kusina. Nagrequest umano ang kanyang mga followers ng isang house tour ngunit pribado umano para sa aktres ang kanyang bahay.

credit to kathryn bernardo | youtube

Sa halip na house tour, kitchen tour na lamang ang kanyang ibinahagi sa kanyang vlog. Ipinakita nito ang ganda ng kanyang kusina na kakatapos lang niyang iparenovate.

credit to kathryn bernardo | youtube

Sa kanyang latest IG post, “This week’s episode on #EverydayKath is really special to me because I’ll be sharing with you for the very first time one part of our home: our kitchen! Thank you, Ms. Issa, of @neatobsessions for helping us give the space a makeover that keeps everything tidy and organized! 💕 Link in bio for a peek at our newly renovated kitchen plus some organizing tips!” caption nito sa kanyang vlog.

credit to kathryn bernardo | youtube

Makikita na napakalinis tingnan ng kanyang kusina sa kulay puti na pintura. Marami din ang mga cabinets nito na lalagyan ng iba’t-ibang mga gamit pangluto.

credit to kathryn bernardo | youtube

Kasama ng aktres sa kanyang vlog si Issa Reyes ng Neat Obsessions, isang professional home organizer.

credit to kathryn bernardo | youtube

Nagbigay sila ng ilang mga tips upang mapanatili ang kaayusan at pagiging organisa ng isang kusina. Kagaya lamang ng paglalagay at pagsasama-sama ng mga magkaparehong kagamitan upang hindi ito mahirap hanapin.

credit to kathryn bernardo | youtube

Naroon din ang mga gamit ng aktres sa baking dahil mahilig umano itong mag-bake. Ang bawat kagamitan ay may kanya-kanyang cabinet para maiwasan din ang paghalo-halo ng mga kagamitan. Mahahalata talaga na masinop ang aktres sa kanyang mga kagamitan.

credit to kathryn bernardo | youtube

Kapansin-pansin din sa isang drawer ang napakaraming mga tumblers ni Kath dahil mahilig umano talaga itong bumili ng iba’t-ibang tumbler upang marami ang kanyang magagamit. Iniipon at tinatago umano ng aktres ang mga iyon dahil may sentimental value ang mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here