Kamakailan sa latest vlog ni Kathryn Bernardo ipinakita nito ang kanilang maiksing bakasyon sa Batangas at kanyang trabaho sa araw-araw. Sa nasabing Batangas get away kasama ni Kath ang kanyang love team at real life lover na si Daniel Padilla.

Sa maiksing Batanagas trip rin na ito kasama din ang ilang miyembro ng pamilya ni Kathryn at ang kanyang mga alagang aso, Kitang kita ang kasiyahan sa mukha ng dalaga  habang ginawan niya ng dokumentaryo ang kanyang mga ginagawa sa araw ding yon.

Habang ipinapakita ni Kath ang ganda ng San Benito Farm makikitang naliligo sa swimming pool ang kanyang nakakabatang kapatid kasama si Daniel. Sa pagkakataong iyon nakuhanan ni Kath si Daniel na tumambling ng ilang beses at kinagulat ng dalaga. Maririnig sa video ang pagkabigla ni Kathryn at napasabi pa ito ng “Oh my God”. Kung tutuusin kahit sino kakabahan sa ginawang ito ni Daniel lalo na hindi ka sana’y na nakikita ito sa isang tao.

Matatandaang noong lamang nakaraang araw ay nag-trending ang binata sa kabutihang iponakita nito sa isang tricycle driver na nakasagi sa kanyang mamahaling sasakyan na nagkakahalaga lang naman ng 10 Milyong piso. Tiyak na mahal din ang pagpapagawa dito ngunit kalmadong kinausap ni Daniel ang nasabing driver at binigyan pa ito ng kaunting tulong imbes na singilin sa danyos na naidulot nito.

Panoorin ang buong video sa youtube channel ni Kathryn Bernado na “Everyday kath” at humakot na rin ng mahigit isang milyong subscribers.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here