Napakabilis talaga lumipas ng panahon. Ang mga paslit at musmos na bata ay hindi mo nalang mamamalayan na biglang dalaga at binata na. Kaya naman mas mainam ang nabibigyan sila ng wastong gabay at pag-aalaga lalo na mismo ng mga magulang.

photo credit to dougkramer | ig

Marahil isa sa mga pinakasikat na celebrity family ay sina Cheska Garcia at Douglas Kramer kasama ang kanilang tatlong napaka-cute at bibong mga anak.

Bata pa lamang ang mga bata ay nasubaybayan natin ang kanilang buhay dahil na rin sa mga vlogs na ibinabahagi sa social media ng mag-asawang Cheska at Doug.

photo credit to dougkramer | ig

Sa paglipas ng mga taon, nadidiskubre ng mag-asawa ang iba’t-ibang hilig at katangian ng kanilang mga anak at ngayon napapansin na rin ang pagbabago ng kanilang mga itsura.

photo credit to dougkramer | ig

Sa IG post ni Doug, ibinahagi nito ang mga larawan ng anak na nagbihis ala-Cheska. “Suddenly, I don’t see me. I see a whole lot of Cheska on both of them. And yes, those are all @chekakramer’s outfits!”, caption nito sa kanyang post.

photo credit to dougkramer | ig

Sa larawan ay makikitang napakaganda ng dalawang anak nil ana babae na sina Scarlett at Kendra. Ang larawan ay kuha umano sa kanilang make-up challenge vlog.  Si Scarlett umano ang nag make-up sa kanyang ate Kendra at si Kendra naman ang nag make-up kay Scarlett. Tuwang-tuwa sila sa kanilang make-up challenge.

Umani ng iba’t-ibang komento ang post ni Doug kung sino ng aba ang kahawig ng dalawang anak nilang babae.

photo credit to dougkramer | ig

Wika ng isang follower, “Kendra is very Cheska mini me and Scarlett is Doug mini me.  Beautiful kids!” “Wow both beautiful! But I see kendra got more looks from ms.cheska especially ngayon nag dadalaga na siya”, komento naman ng isa pang fan.

Nahirapan umano mag desisyon ang mag-asawa kung sino ang mananalo sa make-up challenge ng magkapatid dahil pareho daw itong maganda. Kaya naman sa mga followers na nila ipinaubaya ang pagboto ng panalo.

photo credit to dougkramer | ig

Samantala, sa isang post naman ni Doug, ibinahagi nito ang larawan ni Kendra na may caption na “Reality is, like a blink of an eye, they’re grown up na.  One day they’re sleeping on your tummy with their pacifier. They will ask you to carry them on your shoulders, then they will ask you to make funny faces and make jokes that will make you cry from laughter.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here