Noong mga panahong dekada 80s hanggang 90s ay kilalang-kilala ang aktor na si Felipe Reyes Salvador o mas sikat sa kanyang screen name na Philip Salvador at palayaw na “Ipe”.

Naging matunog ang kanyang pangalan sa showbiz dahil sa husay nito sa pag arte at lalong-lalo sa kanyang mga action stunts. Marami na ang mga palabas na binidahan ng aktor pati narin ang kanyang mga natanggap na parangal.

photo credit to yshsalvador | ig

Ilang beses na ginawaran bilang Best Actor sa FAMAS, FAP Awards, Movie Actor of the Year ng Star Awards for Movies noong 1986, 1994, 1995, at Box Office King ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards noong 1989, Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival noong 2009.

photo credit to yshsalvador | ig

Dating nagkarelasyon si Philip kay Kris Aquino at nagkaroon ng anak na si Joshua. Subalit hindi nag work out ang kanilang pagsasama at kalaunan ay naghiwalay.

photo credit to yshsalvador | ig

Usap-usapan naman ang isang anak nito sa dating kinakasamang si Vivian Dungca. Agaw atensyon umano sa social media ang angking kagandahan ng anak ni Philip na si Dennise Ysabel Salvador dahil sa stand out na mala italyanang mukha nito.

photo credit to yshsalvador | ig

May pagkakahawig din ito sa kanyang ama at may magandang hubog ng katawan. Nakapagtapos ito ng kolehiyo sa Holy Angel University sa Pampanga sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management na talaga naman naangkop sa pisikal na kagandahan nito. Makikita sa mga post na larawan sa social media na nandoon din sa kanyang graduation ang kanyang ama at ina na naging proud sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo.

photo credit to yshsalvador | ig

Hindi malayong sundan umano ni Dennise ang yapak ng ama sa pag aartista at malaki ang posibilidad na maging leading lady sya ng mga sikat na aktor sa showbiz dahil sa kanyang nakakabighaning ganda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here