Si Jericho “Echo” Vibar Rosales ay isa sa mga batikang aktor sa Kapamilya network na talaga namang inaabangan ng maraming fans niya sa tuwing may gagawin itong teleserye at pelikula. At kahit medyo may edad na hindi padin nawawala ang angking husay ng aktor pagdating sa pag-arte.

Nagsimula ang showbiz industry ni Jericho noong nanalo sa siya segment ng longest-running noontime television show na Eat Bulaga! ang ‘Mr. Pogi’ taong 1996.

Samantala, ngayon ay trending topic ngayon sa social media ang kanyang anak na si Santino Rosales ito ay mapansin ng mga netizens ang angking kagwapohan nito na talaga namang namana sakanyang Ama na si Jericho Rosales.

Ayon nga sa mga Netizens, ay pwedeng pwede na nga ‘di umano itong pasokin ni Santino ang showbiz industry dahil pang-leading-man din ito kagaya ng kanyang Ama. Ayon pa sa isang report, suportado naman si Jericho at Ina nitong si Kai Palomares kung sakali mang pasukin nito ang mundo ng showbiz.

Ngunit sa aming pagsisiyasat nabalitaan naming ang young man na si Santino Rosales ay mas nakatuon ngayon sa kanyang pag-aaral sa De La Salle University at ang kurso niyang Interdisciplinary Business.

Samantala, mas passionate ng young man ang sports na football at totoo nga ang narinig niyo dahil isa siya sa mga varsity ng football players sa kanyang alma mater at naglalaro din siya sa Makati City-based professional football association.

Anong masasabi niyo tungkol dito? Naniniwala ba kayong magiging famous si Santino kagaya ng kanyang Ama na si Jericho kapag papasokin niya ang mundo ng showbiz industry?

Source: Buhay Artista PH / YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here