Kilala si Ruffa Gutierez o Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez bilang isang aktres, modelo, host at beauty queen. Si Ruffa ang tinaguriang 2nd runner up noong Miss World 1993. Nakatanggap din si Ruffa ng parangal bilang 1992 Look for the Year-Philippines.

photo via Lorin Gutierrez | Instagram

Si Ruffa ang kaisa-isang anak na babae nina Eddie Gutierez at Annabelle Rama. Lima ang kapatid niyang lalaki na sina Elvis, Rocky, Richard, Raymond, at Richie Paul. Samantalang, kapatid niya sa ama si Ramon Christopher at Tonton Gutierez. Nagsimula sa pag-aartista si Ruffa noong taong 1980. Napabilang din siya sa sikat na show noong 1990 na “German Moreno’s That’s Entertainment”. Si Ruffa ay naging host ng mga talk shows tulad ng “The Buzz” at “Paparazzi”. Mapapanood si Ruffa sa Kapamilya show na “Love Thy Woman” na magsisimula ngayong Pebrero.

photo via Lorin Gutierrez | Instagram

Si Ruffa ay ikinasal kay Yilmaz Bektas na isang Turkish businessman, noong 2003. Nagkaroon sila ng dalawang babaeng anak na pinangalanang Lorin Gabriella and Venezia Loran. Hindi nagtagal ang pagsasama ni Ruffa at Yilmaz at sila ay naghiwalay din noong ika-8 ng Mayo taong 2007.

photo via Lorin Gutierrez | Instagram

Ang larawan ng panganay ni Ruffa na si Lorin ay nakatawag pansin sa social media. Makikitang nagmana kay Ruffa ng kagandahang pang beauty queen ang anak niyang si Lorin. Ipinanganak ang Filipina-Turkish na si Lorin noong ika-3 ng Agosto taong 2003. Siya ay 17 na taong gulang na sa Agosto.

photo via Lorin Gutierrez | Instagram

Aktibo si Lorin sa kanyang school activities tulad ng cheering at drama film. Si Lorin ay gumanap na bida sa school play na 1945 British romantic drama na pinamagatang “Brief Encounter”. Kamakailan ay nagpost si Lorin ng litrato sa kanyang social media account kung saan siya ay nakasuot ng red swimwear. Ito ay umani ng maraming positibong komento na pumuri sa kagandahan ng dalaga. Maraming netizens ang nagsasabing nababagay din maging beauty queen at maging artista si Lorin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here