Si Joshua Garcia ay kilala bilang dating housemate ni Kuya sa Kapamilya show na Pinoy Big Brother. Si Joshua ay naging aktibo sa kanyang showbiz career kahit na hindi siya ang napiling big winner sa reality show. Maraming proyekto ang nakalaan sa kanya at masasabing matagumpay ang kanyang showbiz life. Naging sikat ang love team ni Joshua at Julia Baretto na kinakiligan ng maraming fans dahil sa naging totohanang love team.

photo via Lorenza Mae Garcia | Instagram
photo via Lorenza Mae Garcia | Instagram

Lubos na maligaya ang pamilya ni Joshua lalong lalo na ang kanyang ate sa tagumpay ng binata sa show business. Si Lorenza Mae ay ang ate ni Joshua na laging nakasuporta sa mga pangarap niya. Maraming nagsasabi na si Lorenza Mae ay nababagay din maging isang artista dahil sa kanyang charming personality at natatanging ganda. Siya ay malapit sa kapatid niyang si Joshua na laging naglalaan ng oras upang makasama ang kanyang pamilya sa kabila ng busy schedule.

photo via Lorenza Mae Garcia | Instagram
photo via Lorenza Mae Garcia | Instagram

Labis din ang pagmamahal ni Lorenza Mae sa kapatid na lagi niyang sinasamahan sa mga taping at shooting ng proyekto. Siya ay makikita na tumutulong kay Joshua sa backstage. Maliban sa pagiging mapagmahal na ate, isa ding mabuting ina si Loreza Mae sa anak niyang si Skyler.

photo via Lorenza Mae Garcia | Instagram
photo via Lorenza Mae Garcia | Instagram

Siya ay isang tech dermatologist sa isang skin cosmetic clinic. Isa din siya sa avid fan at miyembro ng fanbase ni Joshua. Nagkaroon na din ng pagkakataong magkita at magkausap ng personal ang ate ni Joshua at si Julia Baretto. Si Lorenza Mae ay masaya para sa kapatid na napapabalitang karelasyon ni Julia Baretto. Alam niya na masaya si Joshua sa tuwing kasama ang aktres.

photo via Lorenza Mae Garcia | Instagram

Lalonng dumarami ang humahanga at sumusuporta kay Joshua dahil sa labis na pagmamahal nito sa kanyang pamilya. Hindi niya nakakalimutan ang mga taong nagmamahal sa kanya at nananatiling mabuting anak sa kanyang mga magulang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here