Alam naman nating lahat na si Joey de Leon ay isa sa mga pinaka-mahusay na komedyante at artista, hindi pa kasama diyan television presenter at pagiging song writer. Sa ngayon, makikita natin araw-araw si Joey sa longest-running noontime variety show na Eat Bulaga! sa GMA-7. At sa katunayan pa nga, siya ay miyembro ng comedy trio na Tito, Vic and Joey (TVC) na nagkaroon ng mahigit kumulang isang-daang comedy movies and TV shows.

Bago paman maging isang entertainer si Joey ay nakuha niya din ang kanyang degree sa arkitektura mula sa National University sa Manila. Isa rin siyang disc jockey sa 12-radio-stations noong siya ay nagsisimula.

Sinimulan ni De Leon ang kanyang karera sa showbiz noong 1960s bilang isang radio disc jockey at tagapagbalita. Nagtrabaho siya para sa 12 istasyon ng radyo, kabilang ang lahat ng pitong mga istasyon ng radyo na pag-aari ng ABS-CBN Corporation pati na rin ang iba pang mga broadcast tulad ng KBS. Ang una niyang malaking break sa TV ay ang gag show ng IBC 13 na OK Lang.

At ngayon, si Eileen Macapagal-de Leon naman ang bumihag sa kanyang puso. Pero, ang kanyang unang asawa noon ay si Daria Ramirez.

Samantala, ating kilalanin ang 5-limang anak ni Joey de Leon na tulad niya ay naging matagumpay din sa pinili nilang karera, hindi man lahat ng kanyang mga anak ay nasa showbiz. Ngunit, marahil ang bawat isa ay nakakamit ng mga bagay na napiling larangan.

Chenee de Leon

Si Cheene ang panganay na anak ni Joey de Leon sa una niyang asawa na si Daria Ramirez na isa ding beteranang aktres. Samantala ang panganay na anak ni Joey ay may-asawa na din ngayon at dati isa siyang aktres pero kalaunan nagbitiw din at namuhay ng tahimik, kasama ang iniingatan nilang negosyo ngayon.

Keempee de Leon

Si Keempee naman ang pangalawang anak niya sa kanyang unang asawa na si Daria Ramirez. Makikita ang anak ni Joey ngayon sa mga palabas sa telebisyon sa GMA-7 nagsimula ang karera ni Keempee sa mundo ng industriya noong 90’s.

Jocas de Leon

Siya naman ang nag-iisang anak na babae ni Joey sa pangalawa niyang asawa na si Eileen Macapagal, hindi lang si Jocas ang may angking kagandahan, meron din siyang Bachelor of Science Master’s Degree sa Economics mula sa Fordham University sa New York.

Jako de Leon

Natapos naman niya ang psychologist sa Fordham University sa New York na dapat ay maging isang pre-med course. Malaki ang interest ni Jako sa pag-gawa ng video na itinadhana sa kanyang trabaho bilang isang excutive producer sa GMA News TV.

Jio de Leon

Siya ang bunsong anak nina Joey at Eileen na mayroong degree sa cinema studies mula sa New York university. Si Jio ay gumagawa ngayon ng palabas para sa local at cable television networks.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here